Chapter 27

7 1 0
                                    

Isinugod muna kami sa hospital ni Alpha at tinawagan ang mga magulang namin bago siya nagpaalam at umalis dahil may kinakailangan daw siyang gawin.






Agad naman kaming niyakap nina mama at papa pagkadating nila ng hospital. Si Gael din ay niyakap ng mga magulang niya na puno ng paga-alala.





"Anak, ayos lang ba kayo?" tanong ni mama at sabay sinapo ang aming mga pisngi at niyakap kami ulit ng sabay.





Hindi pa naman lumalaki ang tiyan niya pero makikita kaagad na nagdadalang tao talaga siya dahil nadagdagan ang kaniyang timbang.




"A-ayos lang po ako," sagot ni Heather. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.





Sobrang natakot ako kanina hindi ko alam kung ano na ang mga susunod kong gagawin. Hanggang sa ngayon ay nanginginig parin ang aking katawan at tumutulo parin ng walang humpay ang aking mga luha.





Sa mga nangyayari sa amin ngayon simula ng mapunta kami sa lugar na ito ay marami akong napagtanto. Hindi ko na kayang mamuhay pa dito na palaging napapaligiran ng panganib at ng mga taong mapanghusga at wala na lang ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit.





"A-ayoko na po dito. Uwi na po tayo sa atin, Ma." naiiyak na pagsusumamo ko sa kaniya. Napatango naman siya at hinawakan ang aking ulo.




"Sige kung iyan ang gusto mo uuwi na tayo."




"H-hindi po sa bahay ni Lola, ang ibig kong sabihin ay sa dati nating bahay sa Manila." nagulat sila sa aking sinabi hinawakan naman ako ni Lola sa aking balikat. "Ayoko na po dito. Please po."




"Sige anak pag-uusapan muna namin kung kailan tayo uuwi." saad ni papa kaya napatango ako.




Matapos kaming tignan ng doctor na naka-assign sa amin ay umuwi na din kami kaagad. Pagkarating sa bahay ay hindi ako makatulog, para kasing may nanonood sa akin habang nakapikit ako.




Napabuntong hininga naman ako at tinignan ang aking kamay. Nanginginig pa din ito at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pati ang dibdib ko ay naninikip na at nahihirapan akong huminga.





Lumabas ako ng aking kwarto at pumunta ng kusina upang uminom ng tubig pagkatapos ay hindi na ako bumalik sa kwarto ko at pumasok na lang sa silid ng aking kapatid.




"Nagising ba kita?" tanong ko sa kaniya ng magmulat siya at tinignan ako.




"Hindi naman. Bakit may kailangan ka ba?" tanong niya sa akin.




"Pwede bang dito ako matulog?"




"Natatakot ka parin ba?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot kaya tumikhim na lang ito at umusog sa kabilang side ng kaniyang kama. "Okay lang na dito ka matulog para may katabi na din ako."





Tumabi na ako sa kaniya at tahimik na nagdasal bago ako nilamon ng antok.





"Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Amir?" mahinang tanong sa akin ni Gael kinabukasan at kumakain kami sa kanila ng breakfast. "Text ng text sa akin hindi mo daw sinasagot ang mga text messages niya."





Hindi ako papasok ngayon dahil hindi parin ako makaget-over sa mga nangyari kahapon. At takot na akong lumabas.





Bigla na lang tumulo ang luha ko ng marinig ko nanaman ang kaniyang pangalan at naalala ko ang mga narinig ko kagabi doon sa tawag.





My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon