Today is our first day of class. And being a good student, late kaming pumasok ng school dahil ang tagal gumising ng mga kasama ko."Bye mga ate!" kumakaway na paalam ni Heather sa aming dalawa ni Gael ng makatapak na kami sa grade 10 building. As usual, nasa ibang section nanaman siya at hindi na naman kami magka-klase.
"Ge bye!" sigaw naming dalawa ni Gael at nagmadaling pumunta sa classroom namin. Buti na lang talaga pagpasok namin ay wala pa ang teacher.
Ang mga estudyante naman na naririto ay parang wala namang pakialam sa mga pumasok dahil busy sila sa pakikipag-usap sa isa't isa at ang iba naman ay busy sa pagkakantahan sa likod. Mukhang magkakakilala na silang lahat kami lang ata ang naligaw sa classroom na 'to.
Nakita ko rin sina Tali, Val, Klent at Amir na nasa bandang likuran at nakikisali sa mga nagkakantahan sa likod. Maganda naman ang mga boses nila gayon lang ay ang iingay. Pero wala ako sa pwesto para sawayin sila dahil baguhan lamang ako dito at hindi pwedeng magmaldita.
Magkatabi naman kaming dalawa ni Gael at para din itong anghel kung titignan kasi ang tahimik niya ngayon. Ganyan siya kapag uncomfortable sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
"Nandiyan na si maam!" sigaw ng isang kaklase namin na nagtatakbo sa may lobby papasok ng classroom namin. Tumuwid naman sa pagkakaupo ang lahat at nagsitahimik.
"Good morning class!" mataas na bati ng guro namin kaya naman binati din namin ito pabalik. "So I expect that you already know each other kasi narinig ko mga boses ninyo sa labas pa lang." biro ni maam.
Kaya naman napakamot ang iba naming kaklase aminadong guilty ang iba naman ay napatawa lang.
"I will just introduce myself today and same as to you. Sasabihin ko rin ang mga classroom rules natin and I hope na maintindihin niyo ito since you are now a fourth year students." Wika ni maam at napatango kami kaya sinimulan na niya ang pagpapakilala sa kaniyang sarili. "I am Ms. Lisa your homeroom adviser and your teacher in Filipino."
Pagkatapos magpakilala ni maam ay nagsimula na rin kaming magpakilala at dahil nasa unahan kami nakaupong dalawa ni Gael ay kami ang nauna.
"Hi! I am Gael Janine Santos." pagsisimula ni Gael may narinig pa akong sumipol sa likod na umani ng tawanan kaya napayuko ang pinsan ko. Tumingin naman ako sa likod ng masama kaya tumahimik ito. "You can call Gael."
Pagkatapos niyang magpakilala ay ako naman ang sumunod may narinig din akong bulungan sa likod.
"Yiee kapag sinuswerte ka nga naman Amir ah," napairap na lamang ako sa aking mga naririnig. "Yun nga lang mukhang mataray 'tol. Ekis."
"Hi everyone! I am Heaven Avrianna Santos and you can call me Heaven or Avi." maikling pagpapakilala ko at umupo na kaagad.
Hindi naman naging matagal ang 'pagpapakilala session' namin. Walang mga pinagawa sa amin ngayon kundi ang pagpapakilala lang at pagbibigay ng requirements ng mga teachers.
Pwera na nga lang sa isang subject teacher na pumasok at nagpa-groupings muna ito for future purposes daw.
"Make your own group with atleast 5 members. Kayo na ang bahala mamili ng mga kagrupo niyo do it within 6 minutes." istriktong saad ng aming guro sa English.
Akala ko pa naman sa Manila lang nage-exist iyong mga istriktong English teacher lumaganap na pala sila at nakaabut na ng Cebu.
May tumapik sa aking balikat at kay Gael kaya napatingin kami dito. Isa ito sa mga kaklase naming lalaki na tahimik ngunit mukhang mabait at matalino. May katabi siyang babae na todo ang smile sa amin at ang isa namang babae ay todo rin ang paglalagay nito ng blush on sa mukha.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022