Author's Note: This chapter is dedicated to YorAnyaLoid thanks for the follow. I hope you support me friend<3
••¤¤¤••
"Ganyan ba talaga ang susuotin mo?" pang-pitong beses na tanong ni Amir sa akin kaya napabuntong hininga ako at tinignan siya sa salamin.
Ginawa niya ang kaniyang sinabi noong nakaraan na manliligaw daw siya sa akin. And one of his ways para manligaw sa akin ay ang sumunod-sunod sa akin kahit saan ako magpunta. Tinotoo niya talaga ang pagiging buntot niya.
"Oo nga paulit-ulit mo na iyang tinatanong," medyo naiinis na din ako sa kakatanong niya.
Friday ngayon at simula na ng Mr. and Ms. Intrams. Inaayusan na ako dito ni Ivy sa ibinigay na classroom para maging waiting area namin ni Ivan. Dito na din pwede kaming ayusan ng mga kaklase namin, hindi kasi kami pwedeng mag-hire ng mga makeup artist at mag-aayos sa amin dahil minus points daw iyon.
"Kita iyong likod mo pati iyong legs mo," mahinang sambit ni Amir.
"Aba! Malamang dress yan na may slit at backless pa." sagot ko naman sa kaniya ngunit ngumuso lang ito.
Narinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan ko na nakikinig pala sa pinag-aawayan namin. Alam na din nila na nanliligaw kuno ito sa akin dahil pinagkalat niya pagkatapos naming mag-usap noong nakaraang araw. Nahihiya nga ako sa kaniyang ginawa.
"Amir, kumalma ka nga wala namang hahablot kay Heaven sa stage para iuwi sa kanila," sabat ni Gael na inaayusan din si Ivan. "Sa'yo lang yan alam na namin kahit iuwi mo pa iyan sa inyo okay na okay lang."
Ibinato ko naman kay Gael ang isang roll ng tissue na nasa aking gilid kaya natawa ito. Para na kasi akong binubugaw ng babaeng ito. Ipinamimigay ba naman ako parang hindi pinsan!
"Amir, pinapatawag ka na sa backstage magsisimula na kasi ang performance ng banda niyo kaya dapat ka ng maghanda." biglang sabi ni Tali na lumitaw lang sa kung saan. Tumitingin pa ito sa gawi ko ngunit hindi ko na siya nagawang tignan kasi pinapikit ako ni Ivy.
"Sige pupunta na ako," sagot naman ni Amir.
Mayroon siyang banda na pinapangunahan niya naging kilala na din sila sa buong school namin at sa ibang school na din dahil sa ganda ng mga boses nila. Kahit nga ang drummer nila ay maganda rin ang boses mga may hitsura pa.
Naramdaman ko naman na mayroong naglakad papunta sa gawi namin kaya umurong si Ivy na narinig ko pang bumungisngis. Hindi ko naman pwedeng idilat ang mga mata ko kasi may inilalagay pa din si Ivy dito.
"Goodluck sa pageant mo." naramdaman ko naman na may malambot na bagay ang dumampi sa aking noo at narinig ko din ang mga mahinang tili ng mga kasama ko kaya alam ko na ang ginawa niya sa akin. Namula ako kaya itinaas ko ang aking kanang kamay at mahinang inilayo ang kaniyang mukha sa akin.
"U-umalis ka na nga!" nahihiyang sigaw ko sa kaniya at narinig ko lang naman ang tawa nito bago siya umalis.
"Kinikilig ako, bwesit!" tili ni Ivy sa aking gilid at mahinang hinila ang aking buhok kaya mas lalong nag-init ang aking mukha.
"Tumigil ka na nga,"
Kaya ayaw ko sanang sabihin sa kanila ang sinabi sa akin noong nakaraan ni Amir kasi aasarin lang nila ako. Ngunit pinangunahan ako ng lalaking iyon kaya nag-back out ang plano ko.
YOU ARE READING
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022
