Chapter 31

10 1 0
                                    

Another stressful day started, linggo ngayon at marami na namang mga guest ang pumunta sa resort. Idagdag pa na nagsimula na ang summer vacation ay mas lalong dinarayo ang aming lugar.





Hindi pa ako nakakain simula kaninang lunch at hanggang ngayong magga-gabi na. Naramdaman ko naman na bigla na lang tumunog ang aking tiyan kaya agad ko na lang binitawan ang hawak kong mga papeles na kanina ko pa pinipirmahan.






"Hindi ko na kaya 'to, mamamatay na ako sa gutom."






Kinuha ko kaagad ang aking bag at lumabas ng opisina. Nakita ko pa si Eileen na busy din sa mga pinapagawa ko sa kaniya. Nang madaanan ko siya ay inaya ko na din siyang kumain, ang lonely ko kasi kapag ako lang mag-isa ang kumain.






"Eileen, mamaya mo na lang iyan tapusin." sambit ko sa kaniya at hinila na siya palabas ng kaniyang sariling opisina. "Kain tayo kanina ka pa nagta-trabaho diyan. Don't worry my treat."






"Ma'am hindi pa po kasi ako tapos sa tinatrabaho ko," naga-alinlangang saad niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang naghahantay na bumukas ang elevator.






"Makakapaghintay pa naman 'yan. At tsaka tatanggihan mo na ba ang boss mo ngayon?" nakapamewang na tanong ko sa kaniya. Siya naman ay napakamot sa kaniyang batok.





"S-sige na nga lang po, sasamahan ko na po kayo."






"Good." isang ngiting tagumpay ang ibinigay ko sa kaniya at pumasok na ng elevator pagkabukas nito. Dapat lang pala siyang lapagan ng 'boss' card para lang sumunod siya sa akin.






Ngayon ko lang talaga nalaman na magka-edad lang kami nitong si Eileen. Akala ko kasi ay matanda na siya sa akin since naging secretary din siya ni papa noon, ngunit kaya lang pala siya naging secretary ni papa dahil isa siya sa mga scholar student namin at binigyan niya lang ng trabaho ang babae dahil nangangailangan ito noon.






Buti nga ay kahit nakapagtapos na siya ngayon ng pinapangarap niyang kurso ay hindi siya umalis sa pagiging empleyado ng resort namin. Hindi naman namin siya pinipigilan dahil kailangan din niyang tuparin ang mga pangarap niya para sa sarili niya. And we're also thankful to have a loyal employee like her.





Dumiretso na kami sa restaurant ng resort at doon nag-order ng kakainin namin. Sa resort namin ay hindi lang hotel at beach ang meron dito, mayroon din kaming restaurant at sa paglipas ng panahon ay nakapagpatayo na din kami dito ng mini bar at coffee shop.






Sanay naman na akong kasama si Eileen kapag kumakain kaya hindi na kami nagkahiyaan pa. Mabilis lang naihain ang mga order naming pagkain dahil siguro ay kilala nila ako bilang boss nila dito. Pero hindi naman na kailangan iyon dahil kaya ko namang mag-antay at tsaka marami pang mas nauna sa akin, hindi ko kailangan na mai-priority dahil lang ako ang nakakataas sa kanila.






"May nag-aaway po ata ma'am," biglaang saad ni Eileen sa akin kaya nagtataka akong lumingon sa kaniyang tinitignan.





"Angyare?" nagkibit-balikat naman siya. Kakasubo ko palang pero mukhang made-delay pa ito dahil kailangan ko munang resolbahin kung ano man ang pinag-aawayan nila doon.






Nakatingin lang kami doon sa gawi ng babae na mukhang kanina pa sinisigawan ang isa sa mga waitress ng restaurant. Nakayuko na nga iyong waitress habang nagpapaliwanag sa babae dahil mukhang nahihiya na siya sa ginagawa ng babae.






"Oh? Bakit pati si chef pinalabas nila?" nagtatakang tanong ni Eileen kaya doon na din ako nagtaka pa ng malala. Ano ba ang nangyayari?





My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon