Author's Note: This chapter is dedicated to serrennewp and to amaideninviolet mami-miss ko kayong dalawa<3 Thanks sa support friends!
••¤¤¤••
Umuwi na kami pagkatapos naming magsimba. Kasama ko lang naman ay si lola, Gael, Heather at tsaka si Tita Giselle hindi na sumama si papa dahil mayroon daw itong aasikasuhin sa resort kasama niya yung papa ni Gael. Si mama naman ay maagang umalis kanina hindi naman siya nagsabi kung saan siya pupunta.
Linggo ngayon kaya pag-uwi namin ay mas lalong madami ang tao sa resort namin kailangan pang pumunta nina lola at Tita Giselle doon para tulungan ang mga empleyado nila sa pag-aasikaso. Tuloy ay kaming tatlo ulit ng naiwan sa bahay.
"Zandra, my loves!" sigaw ni Gael habang tumatakbo papunta sa amin ni Heather ng marinig niya tinawagan namin ito sa messenger.
"Aray naman Gael! Ang tinis ng boses mo," reklamo ni Zandra sa kabilang linya kaya natawa kami.
"Musta ka na diyan?" tanong niya at binalewala lamang ang reklamo ni Zandra.
"Okay lang naman ito tumataba na," malungkot na tugon nito sa amin.
"Ano ka ba! Chubby is the new sexy na kaya ngayon. Kaya huwag mong i-down ang sarili mo." saway ni Gael sa kaniya. "Ay alam mo ba may chika ako,"
Nagsimula na nga ang walang hintong chismis ni Gael kay Zandra. Ako naman ay napapatawa na lang dahil sa walang tigil na bibig ni Gael sa kakatalak kay Zandra. Hindi na nga ako makasingit sa usapan.
Napahinto na lamang kami ng pumasok si Heather sa bahay ng humahangos at parang naiiyak. Umalis kasi siya kanina ng magsimula ng umeksena si Gael sa usapan namin kay Zandra. Ano kaya ang nangyari dun? Dumiretso naman siya papasok sa kaniyang silid at narinig ko pa ang pag-lock niya dito.
"May problema ba si Heather? Para kasing paiyak na siya," tanong ni Zandra sa amin. Nagkibit balikat naman kami dahil pati kami ay walang alam sa nangyayari sa babaeng iyon. "O siya sige! Bye muna kausapin niyo muna si Heather tawag na lang tayo sa susunod kapag hindi tayo busy sa mga life natin." pagpapaalam ni Zandra sa amin.
"Sige tawag ka ulit ah? We miss you." kumaway pa ako sa kaniya upang magpaalam.
"Bye! Zandra, my loves." pagpapaalam din ni Gael bago niya patayin ang tawag. "Malapit na palang lumubog yung araw."
Napatingin naman ako sa labas at nakita na malapit na ngang mag-gabi ngunit nahagip ng aking mga mata si Alpha na may kasamang babae at magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad sa may tabing dagat.
"Diba si Alpha iyon?" tanong ni Gael habang itinuturo ang lalaki, tumango naman ako. "Kaya naman pala umiiyak si Heather. Humanda talaga sa akin ang lalaking iyan."
"Magluto na tayo hindi daw muna uuwi sina papa ngayon dahil marami daw silang gagawin sa resort. Hindi din uuwi si mama dahil pagbalik niya dito ay tutulungan daw niya sina papa sa pag-aasikaso sa resort." saad ko sa kaniya.
"Mabuti pa nga."
Agad ko naman inasikaso ang mga lulutuin upang makakain na kami kapag maluto na ito. Alas siyete na ng tinawag na namin si Heather para kumain. Tahimik lamang kami at mukhang walang gustong magsalita.
"Heather," tawag ni Gael sa kapatid ko. "Huwag mong iyakan ang taong iyon. I don't want to see you crying over a man that doesn't see your worth. Kung talagang mataas ang pasensya niya dapat ka niyang hintayin at kung mahal ka niya maghihintay siya sa'yo hanggang sa maging handa na kayong dalawa. Mga bata pa tayo Heather, huwag kayong magmadali."
BINABASA MO ANG
My safe haven
Подростковая литература"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022