Kanina pa naglalakad pabalik si lola sa harapan namin at nahihilo na ako sa ginagawa niya. Ngayon palang niya nalaman ang lahat ng nangyari dahil wala siya dito kagabi.
Hindi na sana namin ito sasabihin sa kaniya dahil ba'ka ay atakihin ito sa puso kapag malaman niya ang lahat ng nangyari. Pero hindi na namin iyon maitatago dahil ang nangyari kagabi ang naging tampok ng chismis ngayong umaga.
Hindi din kami lumabas ngayon. Marami kasi ang magbubulungan kapag dadaan kami at magtatanong kung totoo ba ang mga nalaman nila kagabi.
Lumabas kasi kami kanina para bumili ng makakain sa malapit na tindahan at iyon ang nangyari. Pati nga si papa ay hindi muna pumasok ngayon para mapag-usapan ito.
"Lola kanina pa po ako nahihilo sa inyo. Tumigil na po kayo at umupo." saway ni Gael kay lola habang umiinom ng gatas sa gilid. Nang tumingin si lola sa kaniya ay ngumiti lang ito at nagpeace-sign.
Napabuntong hininga naman ang lola at problemadong umupo katabi namin. Lumabas na ng kwarto si mama at si papa din ay lumabas sa may guest room.
Mukhang hindi sila tabing natulog kagabi. Nakayuko si mama habang umuupo sa harap namin.
"Gael, Heather, at Heaven doon muna kayo sa bahay namin. Mag-uusap lang muna kami dito." mahinahong saad ni Tita Giselle. Tumayo naman kami at pumunta sa likod ng bahay kung nasaan ang bahay nina Gael.
"Bakit ba tayo pinauwi ni mama? Gusto ko sana marinig ang usapan nila. Malaki naman na tayo at hindi na bata para hindi maging open-minded sa mga nangyayari." biglang saad ni Gael.
Napairap naman sa kaniya si Heather. "Huwag na lang muna tayong makisali sa kanila. Usapang matatanda 'yon." singit nito.
Tumango na lamang si Gael at pabirong binangga ang braso ng kapatid ko akala ko ay magagalit iyong isa pero gumanti lang ito hanggang sa nagtawanan sila.
"Ang pangit mong magtampo," pang-aasar ni Gael pero tumawa lang ulit siya. Ayan magkabati na kami!
Nakaupo lang kami sa sala nila Gael habang nanonood ng movie ng biglang nag-vibrate ang aking cellphone at tinignan ko ito.
From: Amir
Good morning ^_^! Kain ka ng maayos ah huwag mo ng hayaan na magkasakit ka ulit, mamahalin pa kita.
Nakangiti ako habang binabasa ang kaniyang text ngunit agad itong napawi ng bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Mula sa pagsugod ng mama niya hanggang sa malaman ko na naging kabit ang mama ko ng kaniyang ama na mayor ng bayan namin.
"Anong gagawin mo ngayon kay Amir?" tanong sa akin ni Heather at tinignan niya ako ng malamlam. Inilagay naman ni Gael ang niluto niyang pagkain sa harap namin.
"Hindi ko alam," iyon lang ang naging sagot ko.
Lahat ng mga plano ko para magkaayos kami ni Amir at ng makausap ko siya ay biglang nawala dahil sa mga nangyayari. Wala din akong mukhang maihaharap sa kaniya.
Kahit sabihin nating parehong mga magulang namin ang nagkasala ay sinaktan parin nila ang mga asawa at mga anak nila and worst possible scenario ay ba'ka masira nila ang pareho nilang pamilya.
"Naaawa at nahihiya ako kay Amir, ang gusto lang naman niya ay isang kompleto at perpektong pamilya. Pero mukhang hindi na iyon mangyayari. Dahil sa nangyari para kong nasira ang kagustuhan niyang magkaroon ng ganoong pamilya." mahinang saad ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022