"Mama!!!" narinig kong ngawa ni Heather sa labas kaya tinignan ko ito. Ang mga tao rin sa bahay ay lumabas dahil sa narinig nilang sigaw galing sa kapatid ko.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni lola at tinignan si Heather ng makapasok ito.
Si Gael din na nasa bahay lang nila kanina ay nandito na at nag-aalalang nakatingin kay Heather. Hindi lamang nagsalita si Heather kaya lalo kaming nag-alala sa kaniya.
"Angyare sa'yo 'nak?" mahinahon ngunit puno ng pag-aalala na tanong ni papa at nilapitan si Heather.
"Ano ba kasi nangyari diyan?" tanong din ni mama at tinignan ang kanina pang tinatabunan ni Heather sa kaniyang noo. Pagtanggal ng kamay niya sa kaniyang noo ay pinipigilan ko na lang talaga ang pagtawa ko pati na rin si Gael na nasa gilid ko na pala.
Halos mamula na ang aking buong mukha dahil sa pagpipigil ng tawa. Ang mga magulang namin at si lola naman ay napahilamos na lang sa kanilang mga mukha.
"W-wala kasi akong magawa sabi kasi ng isang bakla na naggupit nito uso na daw ito ngayon kaya nagpagupit na din ako," maluha-luhang wika ni Heather.
At hindi na nga namin nakaya at sabay kaming bumulalas ng tawa ni Gael. Mangiyak-iyak akong napahawak sa aking tiyan. Pano ba naman kasi nagpagupit ng bangs hindi pa pantay at mukhang lampaso ang style ng bangs niya.
"Tumigil na kayo," saway ni mama sa amin kaya napatigil kami. "At bakit ba ang bilis mong mapaniwala sa mga ganiyan, Heather? Jusko! ano gagawin namin sa buhok mo idikit ulit at lagyan namin ng glue?" sarkastikong saad ni mama kaya mas lalo pa itong naiyak.
"Ayos lang yan buhok lang naman yun tutubo rin yan mga ilang buwan makalipas sa araw na ito." pagpapagaan ko sa kaniyang loob. "Magbihis ka na dun magpapa-enroll pa tayo 9 am pa naman sila tatanggap ng mga estudyante." dagdag ko pa.
"Sige na tahan na maghanda na kayo doon." wika naman ni papa.
Natigil naman na siya sa pag-iyak at agad na pumanhik sa kaniyang kwarto at nagbihis na, ako naman ay nagsuot lang ng simpleng white tshirt at jeans.
I always wear white tshirt because it looks simple and perfect. At isa pa hindi ko naman na kailangan maglagay ng effort sa mga susuotin ko dahil sa eskwelahan lang naman ang pupuntahan namin.
"Tara na." aya agad ni Heather ng matapos na siyang magbihis. She looks so pretty with her black maxi dress. But I won't say that to her because it always looks so unreal for me to compliment her.
Agad kaming nagpara ng tricycle at madali lang naman kaming nakasakay at nakarating kami kaagad sa bagong eskwelahan namin.
Hindi gaanong bongga ang labas ng paaralan pero kapag pumasok ka na ay malawak ang buong paligid. Merong itong iba't ibang buildings for every year level and strands for the senior high school students.
Agad kaming pumunta sa nagpapa-register and after that we took an entrance exam. Napahaplos na lamang ako sa aking noo dahil hindi ko akalain na mayroon palang entrance exam sila dito. Hindi pa naman ako nakapag-review sa buong linggo kong pananatili dito.
"Ano ba kasi yun..." pagkakausap ko sa aking sarili. Mayroong mga tanong talaga na familiar sa akin pero hindi ko na alam ang sagot.
Napatingin naman ako nang may biglang tumayo sa aking likod at pumunta sa harapan para magpasa at sinundan pa ito ng isa. Napakamot na lamang ako sa aking ulo.
Bahala na si batman kung ano man ang papasok sa isip ko iyon na lang ang isasagot ko.
Sa huling tumayo upang magpasa ng kaniyang sagot sa harap ay may bumato sa akin ng isang crumpled paper kaya napatingin ako sa aking likod at puro busy ang mga estudyante ang naririto sa pagsasagot ng exam.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022