"Oh? Kaibigan niyo na pala iyong isang anak ng mayor ng bayan natin?" salubong ni mama sa amin ng makapasok kami sa bahay.
Nakangiti pa itong nakatingin sa sasakyan na naghatid sa amin dito. Pero anak ng mayor? Sino?
"Sino po?" tanong ko at nagmano sa kaniya.
"Iyong si mayor Garcia may apat na anak yun tatlong lalaki at isang babae. At isa sa mga lalaki niyang anak ay iyong naghatid sa inyo dito, Amir ata pangalan ng batang iyon." mahabang saad ni mama kaya napatanga kami sa kaniyang sinabi. "Oh? Bakit?"
"Seryoso ka ma, anak ng mayor ng bayan iyong si Amir?" gulat kong tanong sa kaniya.
Napatango naman si mama. "Oo, maaga na nga iyong nangangampanya para sa papa niya para sa darating na election sa susunod na taon." dagdag pa nito.
"Hala anak pala ng mayor yun tapos sinapak mo pa, Heaven? Buti na lang talaga hindi nagtawag ng pulis iyon," napalakas ata ang pagkakasabi ni Gael kaya gulat ring tumingin si mama sa akin.
"Jusko! Sinapak mo ang anak ng mayor ng bayan natin?" gulat na sigaw niya sa akin kaya wala sa sariling tumango ako. Napahilamos naman si mama sa kaniyang mukha.
"H-hindi ko naman kasi alam na anak pala iyon ng mayor, mama." nakangusong saad ko at malapit ng maiyak. Napakatanga ko naman kasi. "At tsaka po nag-sorry na po ako sa kaniya."
"Hala kang bata ka dapat lang talaga na mag-sorry ka dun anak ng mayor yun. Paano kung nagsumbong sa tatay yun? Tayo talaga ang malalagot." nakokonsume na sagot ni mama sa akin. "Jusko! Tumaas ata presyon ko sayong bata ka."
Pumunta naman si mama sa kusina at kumuha ng tubig ako naman ay umakyat na sa aking kwarto pero parang lantang gulay dahil sa aking nalaman ngayong araw about sa lalaking iyon.
Akala ko talaga noong una isa siya sa mangingisda dito sa bayan namin. Palagi kasi itong nasa dagat nakabantay. At nakita ko din siyang kasama ang ibang mga matatandang mangingisda dito sa bayan at sinasabayan niyang pumalaot sa dagat.
Tapos ngayon malalaman kong anak pala ng isang mayor ang lalaking iyon? Nagsisi tuloy ako sa pagsapak ko sa kaniya. Ano kaya ang maaari kong gawin para makabawi sa kaniya?
Para kasing hindi pa sapat yung paghingi ng sorry ko sa kaniya dahil sa nangyari. Pero parang ang balimbing ko naman ata kinaaway ko siya tapos ngayon para akong isang aso na pinutulan ng buntot.
Aish! Bahala na ano ba ang pake ko kung anak siya ng isang mayor? Negosyante naman ang papa ko hehehehe.
"Kailan ang enrollment niyo?" tanong ni lola ng mag-dinner na kami.
"Sa monday po, la." sagot naman ni Gael.
"Did you know na ba kung saang school kayo ta-transfer?" tanong naman ni tita Giselle.
Tumango naman kaming tatlo. "Opo mama malapit lang dito sa atin. Mga ilang kanto lang naman ang madadaanan namin." sagot parin ni Gael.
"I bet its a private school?" istriktang tanong ni mama kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"Hindi po, ma. Public school po iyon," sagot ko. "P-pero huwag po kayong mag-alala maganda po ang environment doon at tsaka nalaman namin na doon din po nag-aaral iyong anak ng mayor natin." dagdag ko para hindi siya mawalan ng gana.
At mukhang naging epektibo naman dahil kumalma ang mukha nito at nawala ang pagkakunot ng noo niya. Napabuntong-hininga na lamang ako pagkatapos naming kumain.
Alam ko kasing kahit nawala ang pagkainis ni mama dahil sa pagpili namin ng public school ay alam kong binigo namin siya. Noong nasa Manila kami nag-aaral kasi kami sa isang private school kaya gusto rin ni mama na hanggang dito sa probinsya ay sa private parin kami mag-aaral.
Minsan napapaisip din ako. What's wrong with studying in a public school? It's just the same naman na, ang pinagkaiba lang ay iyong environment ng mismong school. Ang gusto lang talaga ni mama ay dapat hindi siya mawala sa pagiging isa sa mga nasa itaas at isa sa mga dapat gawin niya palagi ay ipasok ang mga anak at pamangkin niya sa isang pribadong eskwelahan. Minsan ang hirap niya talagang intindihin.
"Tara snorkeling tayo," yaya ni Heather sa amin ni Gael. Nandito lang kami sa bahay ni lola ngayon dahil sabado at walang ganap ang buhay namin ngayon.
Kanina pa ako nagbabasa ng libro at si Gael naman ay kanina pa nagse-cellphone ka-chat niya siguro si Zandra dahil kanina ako ang ka-chat ni Zandra.
"Eh? Init." Isa na sa mga galaw ko para humindi sa paanyaya ng kapatid ko. Tumingin pa ako sa may bintana at marami ding tao sa may dagat ngayon.
Sabado kasi at usually nagpapahinga ang mga tao ngayon ang iba naman ang meaning ng pahinga nila ay mag-beach trip. Kaya nga wala ang mga parents at lola namin dito dahil maraming guests ngayon sa resort.
"At tsaka ang raming tao sa may dagat." iiling-iling na sabi ko sa kaniya. Kaya pabagsak siyang umupo sa upuan na nasa harapan ko.
"Wala akong magawa, Ate. Snorkeling tayo please at isa pa hindi ka naman umiitim kahit na magbilad ka pa sa araw diyan ng magdamag." saad nito sa akin kaya inirapan ko ito.
"Ang raming tao, Heather. Natatakot ako." iyon lamang ang aking sinabi at agad din siyang tumahimik at bumalik sa kaniyang ginagawa kanina.
Takot ako sa mga tao. As I've said, I have the confidence but when it comes to facing other people I always lost it in time.
Ewan ko sa sarili ko kapag marami ng tao diyan pa nawawala ang kapal ng mukha ko. Siguro ay dahil hindi ako nasanay sa maraming tao, lumaki kasi kami na nasa bahay lang parati at ngayon lang naman kami nakakalabas dahil hindi naman na kami mga bata.
Basta ayaw ko sa mga tao feeling ko kasi kapag nakatingin sila sa akin agad nila akong huhusgahan. Hanggang sa klase lang talaga ang kapal ng mukha ko. Nakakatawa lang kasi sa reporting hindi ako takot, pero sa mga tao takot ako.
Kaya nga palagi akong nagpapasalamat na nasa gilid ko palagi si Gael dahil siya ang nagliligtas sa akin sa mga matataong lugar.
"Mag-snorkeling tayo kapag wala ng maraming tao sa resort next week siguro mga weekdays dahil hindi naman maraming tao dito sa mga araw na iyon." Suggestion ni Gael kaya napatango ako at napasimangot naman si Heather.
Tumayo naman ako at naglakad papuntang kusina.
"Kain na lang tayo, ano gusto niyong kainin?" tanong ko sa kanila. Si Heather naman ay agad nagliwanag ang mukha.
"Sige sige, french fries gusto ko tsaka juice na rin." agad na sabi ni Gael kaya binato ko sa kaniya ang unan na malapit sa akin kaya natawa ito.
"Sinabi ko lang na anong kakainin niyo di ko sinabing magiging yaya niyo ako." padabog naman akong pumunta sa kusina. Itong mga babaeng 'to inaabuso ang pagiging mabait ko.
Yes naman, mabait talaga ako no.
Author's note: Sorry for the wrong grammars and typos<3
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022