"Congrats sa atin sa wakas magge-grade 10 na tayo di ko na kailangang makita ang masungit nating subject teacher sa English!" maligayang saad ni Gael kasabay ng paghagis niya sa kaniyang bulaklak na binigay nina mama at papa kanina."Kayo lang ang hindi na makikita yung subject teacher natin sa English dahil sa probinsya na kayo mag aaral," malungkot na saad ni Zandra. "Ngayon pa lang ay naiiyak na ako if ever na nasa first section parin ako sa susunod magiging subject teacher ko parin siya."
Natawa na lamang ako sa kaniyang reaction. "Huwag kang mag alala Zandra ngitian mo na lamang si sir hindi ka na papagalitan nun." natatawang saad ko.
"Tse! Ano ako si Eya?" Nakasimangot na tanong niya. Napatahimik naman kami at napatingin sa likod niya ng may magsalita.
"Are you talking about me?" naaasar na tanong ni Eya sa likod kaya nagulat si Zandra at napaikot at tumingin kay Eya.
"Ay di mo ba narinig? Gusto mo ulitin namin?" pang aasar ni Gael sa kaniya. At ang isa naman ay galit na tumingin sa kaniya.
"Ang kapal naman ng mga mukha ninyong pag usapan ako behind my back. Ganyan pala kayo ka plastic nagbabait-baitan lang kayo kapag may ibang mga tao na nakakakita sa inyo."
"Ay oo girl makapal talaga mukha namin kasing kapal ng make up mo at kasing kapal ng kilay mo." naiinis na saad ni Gael sa kaniya. "At tsaka for your information hindi naman kami plastic sa ibang tao, sayo lang."
At ayun na nga lumabas na ang tinatagong sungay ni Eya at bigla na lamang inatake si Gael.
Nagsabunutan pa ang dalawa kami naman ni Zandra ay pilit na hinihiwalay ang dalawa. Buti na lang talaga at nandito kami sa likod ng gym at walang ibang estudyante ang nandidito.
"Ano ka ba sana hindi mo na lamang pinatulan ang babaeng iyon alam mo naman ang ugali niya. Ipinaglihi ata iyon sa sama ng loob." saad ko kay Gael habang inaayos ang kaniyang buhok.
"Nakakainis na kasi minsan ang pagiging maldita ng babaeng yun." sagot naman ni Gael.
"Ay tama ka naman sa part na yun bes, pero sana hindi mo na sinabunutan mas lalong sumama tuloy ang mukha ng babaeng yun."
Natawa na lamang kami sa sinabi ni Zandra. Kanina habang nag aaway sina Gael at Eya ay bigla na lamang dumating si Allen iyong lalaki na kasama ni Eya noong isang araw sa canteen at nakisama na lamang sa pag awat at agad na inilayo si Eya sa amin.
"Ate Heaven, Ate Gael!" tawag sa amin ni Heather kaya napatingin kami dito. "Kanina pa kayo hinahanap ni mama at papa uwi na daw tayo." Binati niya pa si Zandra ng makita niya ito na kasama namin.
"Sige sige aalis na kami Zandra mag ingat kayo pag uwi." pagpapaalam ko kay Zandra at sa pamilya niya gayundin si Gael sa mga ito.
"Tawagan niyo ako kapag pupunta na kayo sa probinsya ah?" saad ni Zandra.
"Okidoki bes!" mataas na saad ni Gael.
Pagkatapos magpaalam ay sabay na kaming tatlo na umalis at pumunta kina mama at papa.
"Ano pala ang nangyari sa'yo ate Gael? Para kang sinabunutan ng pusa." saad ni Heather.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Roman pour Adolescents"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022