Inihatid niya ako sa amin pagkatapos kong kumain. Iminungkahi pa ng doctor na doon na muna daw magpalipas ng gabi para mamonitor ako.
Pero hindi na ako pumayag dahil ayoko talagang manatili sa mga hospital. Para kasing bumabalik sa akin iyong mga nangyari noon, iyon pa naman ang unang punta ko sa isang hospital at iyon pa ang nangyari.
Tahimik na ang buong bahay dahil ako na lang mag-isa ang nandidito. Pinikit ko na ang aking mga mata ng maramdaman na biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Sino nanaman ba ito?
Naramdaman ko ang bahagya niyang paglapit sa akin at hinawakan ang noo ko, mas nagulat pa ako ng biglang may malamig na bagay ang lumapat sa aking noo. Kumabog pa ng husto ang aking dibdib.
"Don't get sick, please. I'm too lazy to take care of you," saad niya sa akin habang nararamdaman ko parin ang kaniyang hininga malapit sa aking mukha. "Take care of yourself, love."
Tinamad pa talaga siyang alagaan ako sa lagay na iyan ah? May tamad bang bumibili ng mga sangkap sa bulalo para lang maipagluto niya ako?
Naayos naman kaagad ang nangyaring gulo namin noong costumer na babae. And it comes out na siya lang pala ang naglagay noong butiki sa kinakain niya para lang hindi sila makapagbayad dahil ang laki daw ng bills nila at ayaw din nilang makapaghugas.
"Ma'am pagbabayarin pa po ba natin sila?" tukoy ni Eileen sa babae at iyong boyfriend niya.
"Huwag na nagpost naman na siya ng public apology eh," nginitian niya lang ako bago umalis ng opisina ko at bumalik sa kaniyang trabaho.
Paulit-ulit lang ang naging routine namin sa apat na buwan hanggang sa dumating ang buwan ng Setyembre ay ganun parin ang naging routine namin. At nagpapasalamat na din ako kasi wala na kaming narinig pang reklamo sa mga naging bisita namin dito.
"Ano?! Isasakal na kayo?!" malakas na sigaw ko kina Klent at Gael na nakaupo sa harapan ko ngayon. Kasama ko si Heather dito sa opisina ko sa resort.
"Sis, hindi ko alam na ganito ka na pala ka-bitter ang pagsambit lang ng deretso sa word na 'ikakasal' ay hindi mo pa magawa." natatawang asar sa akin ni Heather kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala kasing lumalandi sa kapatid mo kaya ganyan," dagdag naman ni Gael kaya binato ko siya ng papel na kanina ko pa hawak. Natawa na lang sa amin si Klent.
"Pero seryoso alam na ba ito lahat nila Tito at Tita ni Lola alam na ba niya ito?" tanong ko ulit sa kanila.
"Oo naman ikaw na nga lang ang hindi pa nakakaalam dahil sa sobrang busy mo sa trabaho noong nakaraang buwan." napasimangot naman ako sa sinabi ni Gael. Ang daya ako iyong parating kasama niya pero ako yung huling nakaalam na ikakasal na pala siya.
"Best wishes na lang sa inyo," saad ko at naluluhang tumingin sa kanila.
"Iyon lang?" nakataas ang kilay na tanong ni Gael sa akin.
"Ano gusto mo? Pipigilan ko ang kasal niyong dalawa at tsaka agawin si Klent sa'yo?" balik ko namang tanong sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama kaya natawa nalang ako.
"Ba'ka hindi mo pa ako naaagaw eh mabubugbog na ako ni boss," usal naman ni Klent ngunit napaismid na lang ako.
Ngayon ko lang napansin na hindi na talaga kami bata. Unti-unti na silang bumubuo ng mga sarili nilang pamilya at kasunod 'nun ay iiwan din nila ako dahil may bago na silang aalagaan at magiging kaibigan nadin nila in the future.
YOU ARE READING
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022
