Chapter 14

17 3 0
                                    

Author's Note: This Chapter is dedicated to Miss_Kittxn and eekayyxx. Thank you for your support and votes hope you continue supporting me friends!♡

•••¤¤•••

Lalagnatin ata ako sa mga tanungan ng exam namin. May iba kasi na hindi itinuro sa amin pero inilagay parin nila sa test paper.





May bigla namang pumatid ng upuan ko kaya napalingon ako sa gumawa 'nun. Sumenyas sa akin si Gael na nasa aking likod ng number 17.





Tumingin naman ako sa aking test paper at nakitang wala pang sagot ay tumingin ako sa kaniya at gumawa ng nakakaiyak na reaksyon. Senyales na wala talaga akong sagot sa number na iyon.





Nakita naman ako ni Amir kaya napataas ang kaniyang kilay na tumingin sa akin ngunit pagnguso lamang ang ginawa ko. Natawa naman siya sa aking ginawa at may biglang binulong. 'Loko tinawanan ba naman ako.





"Landi ah nage-exam na't lahat harutan parin ang inaatupag, sana lahat." pagpaparinig ni Ivy sa aking harapan habang nagsasagot inirapan ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagsasagot.





"Babagsak ata ako sa first quarter exam natin," wala sa sariling sagot ko ng matapos ang exam namin at agad na yumuko sa aking table. "Ang hirap mga bes! Nag-aral naman ako magdamag pero wala paring effect."






"Hindi na lang ako magsasalita na ni isa ay walang lumabas sa mga pinag-aralan ko sa exam," sabat naman ni Mike na nakarinig pala sa usapan namin. Actually, silang lahat nakarinig dahil ang tahimik ng classroom namin hindi kagaya noon na sobrang gulo at ingay dahil sa mga nagkakantahan sa likod.






"Ah basta! Buhay ako ayos lang at wala naman akong tinatapakan na tao." singit naman ni Ivy at alam kong nakayuko na ito ngayon.





"Masasampal siguro ako ni papa kapag makita niya ang test results natin," naiiyak na sabi ni Gael. Kaya nag-angat ako ng tingin at tinignan siya sa aking likod. "Ikaw na ang bahala sa akin ah?"





Napatango naman ako at umarte kaming dalawa na magyayakapan. Napatawa naman ng mahina ang mga kaklase namin.






"Huwag kang mag-alala Gael ako ang haharap sa papa mo," saad ni Klent sa likod kaya napatawa kami at inasar ang dalawa. Napanguso naman si Gael at minura ang lalaki na mas lalong nagpatawa sa amin.





"Hindi pa ba tayo kakain?" tanong ko na lang at tinignan si Amir. Dahil siya ang president namin at nasa kaniya ang desisyon ngayon kung papakawalan niya kami o hindi muna.





Napatingin siya sa kaniyang relo at tumayo. "Okay you can have your lunch na," anunsyo nito at nagliwanag ang buong mukha namin.





Lalabas na sana ako kasunod ni Ivan ng may tumawag sa aking ngalan kaya napatingin ako dito.





"Hello! Nandiyan ba si Heaven at si Amir?" tanong ng estudyante galing sa ibang section. Itinuro naman kaming dalawa ng mga kaklase namin. "Ayon! Papupuntahin daw kayong dalawa sa Mapeh Department."





Napatango naman kami at naglakad papunta doon.





"Gutom ka na ba?" tanong sa akin ni Amir habang sabay kaming naglalakad papuntang Mapeh department.





"Kanina pa," sagot ko naman sa kaniya at napahawak sa aking tiyan na kumukulo na.






"Pwede namang ako na lang ang pumunta doon, kumain ka na lang ba'ka bigla kang mahilo sa daan," mungkahi niya kaya umiling lamang ako. Kaming dalawa ang pinapapunta doon 'tas siya lang ang makikita ng nagpapatawag sa amin? Hindi kaya siya maku-kwestiyon 'nun.




"Hindi na kaya ko pa naman."




"Sige ikaw ang bahala." tugon niya naman.





Nang makarating na kami ng Mapeh department ay agad din kaming kinausap ng teacher namin sa Mapeh kung ano ang kailangan niya. Umalis din kami kaagad ng malaman namin na about lang pala sa darating na intrams ang pag-uusapan.






Ngayon ko lang napansin na dalawang buwan na pala akong nag-aaral dito sa Cebu. Ang bilis lang ng araw nagsimula kasi ang pasukan noong July at ngayon ay September na malapit na din ang katapusan ng buwan kaya nga pinaghahanda na kami ng teacher namin para sa intrams na magsisimula sa susunod na linggo.





Habang naglalakad ay bigla na lamang akong inakbayan ni Amir kaya nagulat ako at nakabawi rin kaagad. Napatingala ako sa kaniya.





"Kain tayo?" aya niya sa akin.





"Kaya nga pupunta tayo ng canteen para kumain di ba?" sarkastikong tugon ko sa kaniya. Umiling lamang siya at napatawa.






"Hindi sa labas tayo kakain. May malapit na kainan dito kain tayo dun masarap magluto ng bulalo at pansit si Manang Lisa," pagbibida niya sa kainan na kaniyang sinasabi. Napakunot naman ang aking noo at napatingin ulit sa kaniya.






"Basta ba libre mo ikaw ang nag-aya eh." umismid naman siya sa akin kaya sumama ang tingin ko sa kaniya.




"Oo na, libre ko."




"Tara lets!" masayang sabi ko at hinila siya papuntang main gate at lumabas na kami. Tahimik lamang kaming naglalakad siya ang nauuna sa akin kasi mas may alam siya sa pupuntahan namin kaysa sa akin.





"Malayo pa ba? Akala ko malapit lang sa school natin?" naiinip na tanong ko napahawak pa sa aking tiyan ng maramdaman kong nag-init lang ito bigla. Kalma lang bulate makakakain ka rin mamaya.






"Ito na oh!" saad niya at itinuro ang isang open area na isang karinderya pala ang kainan na sinasabi niya kanina. Akala ko kasi ay isang maliit na resto. "Kumakain ka ba sa mga ganitong lugar?"






Sa totoo lang, hindi ako kumakain sa mga ganito at first time ko lang. Dahil palagi naman kasi akong may baon na pagkain at kung wala naman ay dederetso lang ako ng canteen para kumain kapag nasa school ako. At kung nasa labas naman at naabutan ako doon ng gutom ay tinitiyak ko talaga na makakahanap ako ng resto para doon kumain.





"Ah o-oo naman," sagot ko sa kaniya. At ngumiti pa. Ayokong sabihin sa kaniya ang totoo I don't want him to feel bad about it. Kaya sinabi ko na lang na kumakain ako sa mga ganito kahit na hindi naman talaga.





Siguro ay dapat ko na ring sanayin ang sarili ko na kumain sa mga ganitong lugar dahil na sa probinsya ako and not everytime may mga resto kang makikita dito. Sa barangay nga namin ay wala kang makikita doon na resto at puro karinderya lang dahil malapit din ito sa dagat.






"Akala ko kasi hindi ka kumakain sa mga ganito dahil ang sama ng tingin mo sa lugar," mahina siyang natawa. "Umupo ka muna ako na ang mago-order ng kakainin natin."






Ipinaghila pa niya ako ng upuan na malapit sa isang electric fan siguro ay para hindi kami mainitan. Marami ding mga estudyante ang kumakain dito nanggaling sa iba't ibang paaralan ngunit mas marami pa talaga ang mga estudyante na nasa parehong paaralan ko lang.






Hindi naman madumi dito. Malinis at iyong mga naghahanda ng mga pagkain ay nakasuot talaga ng PPE. Kaya siguro marami ang mga pumupunta dito dahil sa maganda ang service at malinis ang paligid buti na lamang at hindi ito masyadong malapit sa maalikabok na daan.






Bumalik na si Amir at dala na niya ang order naming dalawa. Bumili talaga siya ng pansit at bulalo na kanina lang ay pinagmamalaki niya sa akin. Sinalinan niya ako ng coke sa isang baso at inilagay sa aking harap.





"Seryoso bibitayin na ba tayo dahil sa dami ng binili mong pagkain? Hindi pa naman ako nakakaubos ng ganito karaming pagkain," saad ko sa kaniya.





"Huwag kang mag-alala ang mga hindi natin mauubos ay may pagbibigyan ako niyan. Siguraduhin mo lang na hindi mo dudumihan ang pagkain." sagot niya sa akin kaya napatango ako sa kaniya. "Kumain ka na diyan payat."





Tumawa siya ng samaan ko siya ng tingin. Noon tinawag niya akong bata, ngayon naman ay payat. Ilan ba ang palayaw niya para sa akin? Tss, wala talaga siyang kwenta.

My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon