Five year's later...
Ibinaling ko ang aking paningin sa labas ng eroplanong sinasakyan ko. Nakalapag na pala ito at ako ay nagbabalik nanaman dito.
Akala ko nga noon ay hindi na ako makakabalik dito dahil simula noon ay gusto ko ng tumakas sa lugar na ito kung saan nakaranas ako ng sakit, at pangungutya. Pero wala nga atang imposibleng mangyari.
Naglalakad na ako sa labas ng airport at naghahanap na ng taxi dahil hindi alam ng pamilya ko na ngayon ako uuwi dito at hindi nila ako masusundo. Nauna na sila ng isang buwan dito at naiwan muna ako sa Manila dahil marami akong kailangang tapusin.
Pumunta lang naman talaga ako dito dahil gusto ni papa na ako na daw ang mamahala sa resort. Gusto ko sanang tumanggi ngunit hindi niya na ako pinagsalita at nagpasa kaagad ng resignation letter.
May huminto na puting van sa aking harapan kaya napausog ako ng kaunti dahil mukhang may lalabas. Bumukas ito at may tatlong lalaki ang lalabas mula dito, napakunot ang aking noo ng pamilyar sa akin ang kanilang mga mukha.
Sila din ay nagulat ng makita ako at napahawak pa sa kanilang bibig. At ang pangatlo at panghuling lalaki na lumabas ng van ang siyang nagpalaglag ng aking panga.
Ang eksenang ito parang pamilyar din. Napasipol ang dalawa na naunang bumaba ng van.
"H-heaven?" nauutal na tanong ni Mike. Iyong kaibigan ni Amir. Gulat pa din siyang nakatingin sa akin. Sila pala, maliban na lang sa isa nilang kaibigan na hindi man lang ako tinapunan ng isang tingin.
"H-hi." nahihiya pa akong kumaway sa kanila. Wala silang ibang naging reaksyon kundi ang titigan lang ako ng matagal. May dumi ba ako sa mukha? Ba'ka may muta ako dahil nakatulog ako kanina.
"Amir!" tawag ng isang boses babae. Kilala ko din ito. Si Tali. Napatingin tuloy ako sa kaniya nakangiti ito habang ang tingin ay na kay Amir lang. Mukhang hindi niya ako nakikita.
"Excuse me." baritonong sabi ni Amir. Kanina pa pala ako nakaharang sa daraanan niya. Gumilid ako at pinadaan siya.
Ngumiti naman ng maliit ang dalawa niyang kasama bago lumapit kay Tali. Sinundan ko sila ng tingin na sana ay hindi ko na lang ginawa upang hindi ko makita ang sumunod na eksena. Niyakap ni Amir ng mahigpit si Tali at binigyan pa ito ng isang halik sa pisngi kaya ang babae naman ay pulang-pula na ngayon.
Hindi ko na tinapos pa ang eksenang iyon at agad na tumalikod at nagpatuloy sa paghahanap ng taxi, nakakita naman ako kaagad at sinabi ko na ang address namin pagkapasok ko.
Napabuntong hininga ako at pilit iwinawaksi ang nakitang eksena kanina. Siguro nga ay nagbago na ang lahat. Huli na ata ako and maybe this is what needed to happen.
Nang makarating sa amin ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko kaya ay nataranta ang mga tao na nandidito sa bahay.
"I'm back! Did you miss me?" nakangiting tanong ko sa kanila na ngayon ay gulat parin at nawala naman kaagad ito at nakangiti nila akong sinalubong.
"Apo, namiss kita." saad ni lola at mahigpit akong niyakap na ibinalik ko din sa kaniya.
"Namiss din po kita, lola." saad ko sa kaniya binigyan naman niya ako ng halik sa pisngi bago binitawan at pinabati sa mga kasama niya na nandidito din.
"Buti naman at agad kang sumunod sa amin dito." nakangiting saad ni papa kaya inirapan ko siya ng pabiro bago nagmano at halikan siya sa pisngi.
"Siyempre agad kang nagpasa ng resignation letter edi nataranta na ako." natawa naman siya sa aking naging komento. Sunod namang bumati sa akin ay si mama.
Hindi na siya kagaya noon na mahigpit at lagi na din itong tumatawa, hindi na nakakunot ang noo palagi. Nagbigay nga ata talaga ng epekto sa kaniya ang mga nangyari noon.
"Hello welcome back, anak." bati niya at niyakap ako ng mahigpit bago hinalikan ang aking pisngi. "Isang buwan ka lang iniwan namin agad ka ng pumayat. Kumakain ka ba sa Manila nung iniwan ka namin?"
Napangiti naman ako sa kaniya habang sinisipat niya ang aking katawan mula ulo hanggang paa.
"Oo naman po." masiglang saad ko sa kaniya ngunit pinanliitan niya ako ng mata. "Medyo lang naman."
Napakamot pa ako sa aking batok ng marinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Kumakain naman ako doon pero minsan talaga ay mas nauunahan ako ng aking katamaran lalo na kapag pagod ako galing sa maraming gawain.
"Heaven!" malakas na sigaw ni Gael matapos kong binati ang kaniyang mga magulang. Dinambahan niya kaagad ako at niyakap ng mahigpit. "Namiss kita kahit hindi mo na sinasagot iyong mga tawag at text messages ko sayong babae ka."
Natawa naman ako sa kaniya at pinalayo na sa akin dahil hindi na ako makahinga nakuha naman niya agad iyon at lumayo. Sunod na yumakap sa akin ay si Heather na hindi ko namalayan nandidito na pala sa aking tabi.
"Namiss kita, madam." natawa naman ako sa kaniyang tawag sa akin. Sinusunod niya kasi ang tawag ng mga empleyado sa akin noong nasa Manila pa ako.
"Ako din, Architect." pang-aasar ko din sa kaniya kaya sumimangot ito. Ayaw niya kasing tinatawag siyang architect kapag nasa bahay kami.
Yes, my sister is now a known architect. Hindi ito ang gusto ni mama para sa kaniya dahil pagiging doctor ang gusto ni mama na kunin naming dalawa, ngunit nagbago ang ihip ng hangin at hinayaan niya na kaming magdesisyon sa kung ano ang gusto naming pangarap.
"O siya kumain na muna tayo bago pa lumamig ang pagkain buti na lang at nakapagpahanda ako kaagad. Hindi ko pa naman alam na ngayon ka pala darating." aya sa amin ni lola.
Napatigil naman ako ng hindi makita ang makulit na bunso namin. Magtatanong na sana ako kay mama pero biglang may nagtatakbo na papunta sa akin at nakabukas pa ang dalawang braso nito sa ere para mayakap ko siya kaagad.
"Hello gorgeous, I miss you so much." bati nito sa akin at niyakap ako kaagad ng mahigpit.
"Hello din sa'yo cutie. Makulit ka parin ba?" tanong ko sa kaniya at pinisil ang kaniyang pisngi. Tumingala naman siya sa akin at nakangising tumango kaya natawa ako.
"Nakakaselos ah, bakit gorgeous ang tawag niya sa'yo? Tapos sa akin ang tawag niya gorilla," natawa naman ako sa sinabi ni Heather. "Parang mga hindi kapatid."
"Ayos lang 'yan magkatunog naman parehong may 'gor' sa simula." tumawa ako ng malakas ng irapan niya ako bago sumunod sa mga magulang namin na naghahanda na ng pagkain.
Sana sa pagbalik ko dito ay maging iba na ang istorya at hindi na maging trahedya ulit dahil nakakapagod din pala minsan.
Ilang araw lang ang ginawa kong pahinga at agad na sinimulan ang aking trabaho sa resort. Nagkaroon ng kaunting gathering sa resort at doon ako pinakilala ni papa at lola na magiging bagong tagapamahala ng resort namin.
Naging masaya naman ang araw na iyon at kaagad kong naging ka-close ang mga empleyado nila doon. Mababait naman sila at mukhang magiging maganda ang simula ng aking trabaho dito.
Sa unang araw ko sa resort hindi naging stressful sa akin dahil tinuturuan nila akong mag-adjust para sa kanila. Kaya kahit nangangapa pa sa mga empleyado ay unti-unti na din akong nagiging komportable sa kanila at nagagawa ko na ng maayos ang aking trabaho.
Minsan maraming mga guest ang pumupunta dito sa aming resort. Lalo na ngayon dahil fiesta ng aming bayan hindi na din mapakali ang lahat ng mga empleyado dahil sa sunod-sunod ang pasok ng mga bisita namin. Mali ata ako sa sinabing hindi ito magiging stressful para sa akin.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022