Author's Note: This chapter is dedicated to lilythsz thank you for following me friend<:
"Uuwi na ako!" sigaw na paalam ko sa mga staff na kasama ko na nandidito sa resort namin. "Uwi na ako, Eileen." paalam ko naman sa secretary ni papa noon, na secretary ko na ngayon.
"Bye po ma'am ingat po kayo!" balik na paalam nila. Masigla parin sila ngayon kahit na ay napagod dahil sa rami ng guest namin ngayon. Agad kong inayos ang aking sarili at lumabas na ng resort.
Bumungad sa akin ang malamig na hangin at hindi rin nakaalpas sa aking pandinig ang hampas ng mga alon na nagmumula sa karagatan na nasa harapan ng resort.
"Gabi na po maam ba'ka wala ng dumaan na mga sasakyan dito. Pwede naman po kayong sumakay sa bus na inilaan ng resort sa mga empleyado nila dito." saad sa akin ni manong guard kaya napatingin ako dito.
"Ay hindi na po siguro manong malapit lang naman ang bahay namin dito." saad ko sa kaniya at ngumiti ng maliit. "At tsaka po may dadaanan pa po ako."
"Ah kayo pong bahala maam. Mag iingat po kayo sa daan."
Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpaalam. Sa totoo ay mas gusto kong sumakay doon sa bus na inilaan ng resort para sa mga empleyado nila dahil sa hindi pa din nawawala sa aking sistema iyong mga nangyari 5 years ago, pero dahil may dadaanan pa ako ay maglalakad na lang siguro ako.
Marami akong mga guest na nakasalubong na minsan ay binabati ako at ang iba naman ay ngingiti lamang sa akin. Siguro ay namumukhaan nila ako dahil minsan ay ako ang naga-assist sa kanila sa loob ng resort.
Pagkarating ko sa aking gustong puntahan ay agad akong pumasok doon. Malapit lang ito sa may resort namin. Bigla na lang mayroong yumakap sa akin at tumatawang umikot-ikot sa aking harapan.
"Hades! Ikaw talagang bata ka aatakihin ako sa puso sa'yo," sigaw ng nagbabantay sa kaniya. Nang makita niya ako ay ngumiti ito ng malaki. "Heaven! Andyan ka na pala hija. Kukunin mo na ba siya?"
"Opo ngayon lang ako natapos sa trabaho namin sa resort ang rami po kasing mga guest." tugon ko.
"Gusto mo bang kumain muna dito? Isang maliit na handaan lang ang ginawa ko dahil hindi naman ganun karami ang naibentang isda ng aking asawa ngayon." pag-aaya nito sa akin.
"Hindi na po siguro manang. Ba'ka po kasi ay naghihintay na ang mga magulang namin doon sa bahay pati na din po sina lola." nahihiyang sambit ko.
"O siya sige! Hindi naman kita mapipilit eh." natawa naman ako sa kaniya. Nagpaalam na kami dahil gumagabi na din. "Mag-iingat kayo sa daan madilim pa naman."
"Opo! Salamat sa pagbabantay kay Hades, manang." tugon ko naman at kumaway sa kaniya.
"Pwede po ba tayong bumili ng baril-barilan doon sa may tindahan?" tanong sa akin ni Hades. Kaya napatingin ako dito.
"Mamaya na lang, pupunta sila ate Heather mo dito at ipapasyal ka nila." sumimangot naman ito sa akin.
"Pero gusto ko po ngayon na." he said.
"Hades," may pagbabantang saad ko sa kaniya.
"Okay po."
Maraming mga laruan ang nagbebenta ngayon dahil fiesta at masigla din ang bawat bahay na nilalagpasan namin dahil sa rami ng mga bisita nila dito.
BINABASA MO ANG
My safe haven
أدب المراهقين"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022