Chapter 18

10 1 0
                                    

Maaga palang ngunit yung pawis at inis ko sa mga taong nandidito ngayon ay para na akong pauwi sa amin dahil sa init ng ulo ko ngayon.



"Eh diba sabi niyo kayo ang bibili ng mga kakailanganin natin?!" pinipigilan ko na lamang ang aking sarili na sigawan sila lalo na si Tali na siyang napresenta noong friday na bibili ng mga kakailanganin namin sa itatayong booth. "Paano natin magagawa ang booth natin kung hindi naman pala nabili iyong mga gagamitin natin? Sa susunod, kung hindi niyo naman kayang gawin ang isang gawain ay huwag na kayong magpresenta na gawin ito."



Hindi ko na talaga kaya na pigilan ang sarili ko dahil naiinis na ako. Umaga pa lang at problema na kaagad ang sumalubong sa akin. Kami naman sana ni Gael ang bibili ng mga gagamitin namin sa booth pero dahil nagpresenta sila kaya sila na lamang ang inatasan namin.



Ang pinaka-ayoko talaga sa lahat ay iyong may mga bagay na nakakalimutan at hindi perpekto ang pagkakagawa ng mga gawain. Napahinto naman ako ng marinig ko ang mahinang hikbi ni Tali. Napairap na lamang ako ng nilapitan ito ni Amir.



Don't get me wrong! Mabait ako kay Tali kahit hindi siya mabait sa akin, pero ngayon ang init talaga ng ulo ko ng malaman na hindi nila nagawang bilhin ang mga ipinabibili sa kanila.



"Tumigil na kayo, tinawagan ko na si Ivan na kung kaya niya pang dumaan sa malapit na store dito sa school natin ay bilhin niya iyong kakailanganin natin sa booth," pag-awat sa amin ni Amir. Kaya napabuntong-hininga ako at pabagsak na naupo.



Tinignan ko na lamang iyong mga nasimulan ko ng gawin na mga designs para sa booth na gagawin at para sa mga magiging costume ng mga sasali sa dance contest.



Hinawakan naman ni Gael ang aking balikat kaya napatingin ako dito kahit na salubong parin ang aking mga kilay. Nakita naman ako nila Venice at Ivy kaya umiwas ng tingin ang dalawa. Sigurado akong naga-alangan silang lumapit sa akin dahil sa ginawa ko kanina.



"Ang init ng ulo mo," mahinahon na sambit ni Gael. "Meron ka ba?"



Tinutukoy niya ang monthly period ko kaya tumango ako sa kaniya. Napapitik na lamang siya sa kaniyang daliri. "Kaya naman pala ang init ng ulo, kumalma ka hindi ka ganyan na unahan ka lang ng emosyon mo. Kahit na masama talaga ang ugali ni Tali ay maghingi ka ng patawad sa kaniya dahil ikaw ang nagmaldita at hindi mo iyon gawain."



Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Totoong naunahan lamang ako ng aking emosyon lumala pa 'nung nilapitan ni Amir si Tali. Tsk.



Kumalma naman na ako ng makitang dala ni Ivan ang mga kakailanganin namin. Nagpasalamat kami sa kaniya at nagpaalam na rin kami sa aming mga guro para maprepara na namin ang kakailanganin sa araw ng intrams.



Hindi naman kaagad ito matatapos ng maaga dahil kaunti lamang kaming gumagawa dahil ang iba ay may practice kami lamang mga hindi kasali sa ibang activities ang naiwan.



Ako ang nagtatahi sa mga costume ng mga dancers namin, si Tali naman ang naglalagay ng mga designs. At ang iba naman naming kaklase na hindi rin sumali ang nagcu-cutting ng mga tela at iba pang pwede i-desenyo.



Tahimik lamang kami at mukhang nakikiramdam pa ang aming mga kaklase dahil sa nangyari kanina na sagutan namin. Seryoso naman ako sa aking ginagawa, na pati ang umupo sa aking tabi ay hindi ko na namalayan.



Nabigla ako dahil sa malamig na bagay na pumatong sa aking batok kaya napatingin ako sa gumawa nito. Nakangiti lamang ito sa akin habang nakalagay parin ang dutch mill sa aking batok.



Inilahad niya ito sa aking harapan at parang naga-alinlangan pa kanina pa ata nags-snack ang mga kaklase ko at ako na lang ang hindi pa. Well, hindi pa naman ako nagugutom.



My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon