Chapter 2

50 8 0
                                    


"Huhuhuhu mami-miss ko talaga kayo, huwag niyo sana kaming kalimutan ah?"



Atungal iyan ng isang kaibigan namin ni Gael ng malaman niya na hindi na kami dito mag aaral sa Manila next school year.



"Ano ka ba siyempre hindi no! At tsaka mukhang babalik pa naman kami dito, siguro para mag-bakasyon." sagot naman sa kaniya ni Gael.



"Tama at tsaka alam ko ang takbo ng bituka ng mga magulang ko kapag hindi na nila kayang manirahan doon sa probinsya uuwi ang mga 'yun dito sa Manila," pakikisali ko sa kanilang usapan. "So for sure magkikita pa tayo."



"Dapat lang kasi may utang pa ang kapatid mong si Heather sa akin na bente pesos," napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi.



"Jusko! Bente pesos na nga lang sisingilin mo pa?" angal naman ni Gael.



"Siyempre naman no hindi ako kagaya niyong may kaya sa buhay kaya mahalaga sa akin ang bente pesos." saad ni Zandra.



"Bakit ba iyon nangutang sa iyo? Palagi naman iyong binibigyan ng baon ni mama," saad ko at kumuha ng bente sa aking pitaka at ibinigay sa kaniya. "Ako na lang ang magbabayad ng utang ni Heather kakalbuhin ko talaga siya pag uwi niya ng bahay mamaya."



Kinuha niya naman ang pera. "Hindi ko nga alam eh nakita ko na lang siya nun na may dalang chocolate at hindi ko na alam kung ano ang ginawa niya kasunod."



"Gagang babae yun, hindi naman siya kumakain ng chocolate dahil nakakataba daw iyon." wala sa sariling saad ni Gael.



"Babatukan ko talaga yun pag uwi natin." saad ko at nagpatuloy na kaming kumain ng lunch namin.



Nag usap pa kami about sa magiging pagtransfer namin doon sa probinsya. Natahimik lang kami ng umalingawngaw ang malanding boses ni Eya sa buong canteen habang pumapasok at kasama ang isang lalaki na kilalang kilala ko.



"Ang landi ng boses ah," asar na saad ni Gael. Di ko na lang ito pinansin.




"Di ba siya yung lalaki na nangako sa'yo Avi noon? Sabi niya pa nga sayo na hihintayin ka daw niyang grumaduate?" talak naman ni Zandra. "Grabe hanggang salita lang pala ang kaya niyang gawin. Tignan mo ngayon may kalandian na agad tsk."



"Ay nilanda ka niyan Avi? Ba't di ko alam? Sana sinabi mo para maupakan ko." dagdag naman ni Gael kaya napailing iling na lamang ako.



Nang dumaan ang dalawa sa aming table ay napatingin pa silang dalawa sa akin. Ang mukha ng lalaki ay parang nag-aalangan ngunit yung mukha ni Eya nang aasar talaga, ang sarap niya tuloy hampasin ng baso.



Ang brutal ko namang mag isip ngayon hay. Happy thoughts please!





Nang matapos kumain ay agad na kaming umalis ng canteen at pumunta ng school gym dahil kasali kaming magp-practice para sa moving up.




Pagdating doon ay agad ko namang nakita si Heather na may kausap na lalaki. Pinaningkitan ko ito ng tingin.




"Di ba si Heather yun?" tanong sa akin ni Gael tapos tinuro pa si Heather.





"Hindi ko na lang pala siya babatukan. Dahil alam kong masasampal talaga siya ni mama kapag nalaman 'nun na may kausap siyang lalaki." saad ko sa kaniya napatango naman silang dalawa na mukhang sang-ayon sa akin mga sinabi.




"Parang hindi pa naman ganyan ang bet ng mama mong mga lalaki na maging boyfriend niyo," sabat naman ni Zandra. "Mukhang gusgusin ang lalaki eh."





"Huy! Napaka-judgemental mo." mahina ko pang pinalo sa braso si Zandra dahil sa kaniyang sinabi.





"Totoo naman eh. For sure kapag yan mangligaw sa kapatid mo hindi 'yan tatanggapin ng mama mo." saad ni Zandra. "Ang taas pa naman ng standards ng mama mo pagdating sa mga lalaki na nakakasama niyo."





Hindi ako na-offend sa kaniyang sinabi dahil totoo naman na ganoon ang ugali ni mama. Sa pinakamadaling salita, matapobre si mama.





Hindi naman kami ganoon ka mayaman pero masasabi ko na may kaya kami. At pagdating sa mga taong nakakasalamuha at nagiging kaibigan namin ay mataas talaga standards niya.





Gusto niya lang na maging kaibigan namin ay iyong mga taong may mga matataas na grado, matatalino at higit sa lahat galing sa isang mayaman na pamilya.





Maayos naman ang mukha ng lalaki na kasama ni Heather ngunit kung pagbabasehan sa kaniyang suot sigurado akong hindi talaga siya magugustuhan ni mama.





Mas tinitignan kasi niya ang panlabas na anyo ng isang tao kaysa sa panloob nito. Minsan ay napakasakit na ng mga nagagawa ni mama. Ngunit wala ako sa lugar na sumagot at kontrahin siya dahil pinapakain niya lamang kami at wala pa kaming maipagmamalaki sa kaniya.





"Hali na nga kayo magsisimula na ang practice," saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Kalimutan niyo na lamang ang mga nakita niyo. Ayaw kong masaktan ulit si Heather."





Kahit minsan nab-bwesit ako sa kapatid ko ay hindi ko parin ito kayang isumbong kay mama ang lahat ng mga kilos na ginagawa niya dito sa school.





Dito na nga lang kami nagiging malaya sa mga kilos namin. Magpapanggap na lamang ako na hindi ko siya nakita.







"Heaven Avrianna Santos, With high honor," tawag sa akin ng aming homeroom teacher kaya agad akong umakyat sa stage at kunwaring tinanggap ang medal at ang certificate.







Malapit ng maghapon kaya minamadali na ng mga teacher ang practice at bawal kami magkamali. Nakakatakot lang dahil mayroon pa siyang hawak na pamaypay ba'ka kasi batuhin kami.







"Hay sa wakas tapos na din," saad ni Zandra. "Ano kain tayong fishball? Libre ko." pag aaya niya.







Napatingin ako sa kaniya at nagtanong. "Ikaw ang magbabayad ng kakainin namin?"







"Syempre ano akala niyo sa akin hindi ko kayang bumili ng fishball? Huy! Hindi kami mayaman pero kaya kong bumili ng fishball."







"Sige na nga ang daldal mo diyan. Nagc-crave ako ng libreng fishball kaya tara na!" sigaw ni Gael sa amin sabay hila sa aming dalawa.







Don't get me wrong hindi sa minamaliit ko si Zandra pero kasi alam ko na marami siyang gastusin sa bahay nila pambayad pa ng kuryente, pambili ng mga materials ng mga gagawin na project, at mga necessities ng mga kapatid niya.







Kaya ayaw kong magpalibre sa kaniya hindi ko siya minamaliit o ano pa man ang akin lang kung mayroon siyang pera dapat niya na lang iyon isave para sa sarili niya at mga kapatid niya di na niya kailangan pang manglibre sa amin.







"Huwag kang mag alala nag-ipon talaga ako para may mailibre ako sa inyo kayo na lang kasi palagi ang nanglilibre sa akin," ngumiti ng malaki si Zandra sa akin kaya sinuklian ko ito. "At isa pa ba'ka last na bonding na natin ito at ba'ka sa makalawa aalis na kayo kaya dapat sulitin na lang natin ito."







"Salamat, Zandra." saad ko at niyakap ko siya. Mami-miss ko ang babaeng ito.







"Huy ano ba 'yan mag-iinarte na nga lang kayo hindi niyo pa ako sinasali." saad ni Gael kaya napatawa kami at siya naman ay lumapit sa amin at binigyan kami ng yakap.

My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon