"Uuwi na ako!" sigaw na paalam ko sa mga staff na kasama ko na nandidito sa resort namin. "Uwi na ako, Eileen." paalam ko naman sa secretary ni papa noon, na secretary ko na ngayon.
"Bye po ma'am ingat po kayo!" balik na paalam nila. Masigla parin sila ngayon kahit na ay napagod dahil sa rami ng guest namin ngayon. Agad kong inayos ang aking sarili at lumabas na ng resort.
Bumungad sa akin ang malamig na hangin at hindi rin nakaalpas sa aking pandinig ang hampas ng mga alon na nagmumula sa karagatan na nasa harapan ng resort.
"Gabi na po maam ba'ka wala ng dumaan na mga sasakyan dito. Pwede naman po kayong sumakay sa bus na inilaan ng resort sa mga empleyado nila dito." saad sa akin ni manong guard kaya napatingin ako dito.
"Ay hindi na po siguro manong malapit lang naman ang bahay namin dito." saad ko sa kaniya at ngumiti ng maliit. "At tsaka po may dadaanan pa po ako."
"Ah kayo pong bahala maam. Mag iingat po kayo sa daan."
Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpaalam. Sa totoo ay mas gusto kong sumakay doon sa bus na inilaan ng resort para sa mga empleyado nila dahil sa hindi pa din nawawala sa aking sistema iyong mga nangyari 5 years ago, pero dahil may dadaanan pa ako ay maglalakad na lang siguro ako.
Marami akong mga guest na nakasalubong na minsan ay binabati ako at ang iba naman ay ngingiti lamang sa akin. Siguro ay namumukhaan nila ako dahil minsan ay ako ang naga-assist sa kanila sa loob ng resort.
Pagkarating ko sa aking gustong puntahan ay agad akong pumasok doon. Malapit lang ito sa may resort namin. Bigla na lang mayroong yumakap sa akin at tumatawang umikot-ikot sa aking harapan.
"Hades! Ikaw talagang bata ka aatakihin ako sa puso sa'yo," sigaw ng nagbabantay sa kaniya. Nang makita niya ako ay ngumiti ito ng malaki. "Heaven! Andyan ka na pala hija. Kukunin mo na ba siya?"
"Opo ngayon lang ako natapos sa trabaho namin sa resort ang rami po kasing mga guest." tugon ko.
"Gusto mo bang kumain muna dito? Isang maliit na handaan lang ang ginawa ko dahil hindi naman ganun karami ang naibentang isda ng aking asawa ngayon." pag-aaya nito sa akin.
"Hindi na po siguro manang. Ba'ka po kasi ay naghihintay na ang mga magulang namin doon sa bahay pati na din po sina lola." nahihiyang sambit ko.
"O siya sige! Hindi naman kita mapipilit eh." natawa naman ako sa kaniya. Nagpaalam na kami dahil gumagabi na din. "Mag-iingat kayo sa daan madilim pa naman."
"Opo! Salamat sa pagbabantay kay Hades, manang." tugon ko naman at kumaway sa kaniya.
"Pwede po ba tayong bumili ng baril-barilan doon sa may tindahan?" tanong sa akin ni Hades. Kaya napatingin ako dito.
"Mamaya na lang, pupunta sila ate Heather mo dito at ipapasyal ka nila." sumimangot naman ito sa akin.
"Pero gusto ko po ngayon na." he said.
"Hades," may pagbabantang saad ko sa kaniya.
"Okay po."
Maraming mga laruan ang nagbebenta ngayon dahil fiesta at masigla din ang bawat bahay na nilalagpasan namin dahil sa rami ng mga bisita nila dito.
Hindi naman sa pinagbabawalan ko siyang bumili pero marami kasing mga tao ang nandidito at isa pa pinayuhan na ako ni papa kanina na huwag daw sundin lahat ng sasabihin ni Hades. Marami na din kasi siyang laruan sa bahay.
Pagkarating sa bahay ay marami ding bisita ang naririto kadalasan ay mga kapitbahay namin at ibang mga kamag-anak namin dito sa Cebu. Binati ko naman sila at nagmano na din kami bago kami nakapasok sa bahay.
Agad na bumitaw sa pagkakahawak ko si Hades ng makita si mama. Nagtatalon pa ito upang magpabuhat.
"Namiss kita." saad ni mama at hinalikan si Hades sa pisngi ako naman ay nagmano sa kaniya at humalik sa pisngi. "Ano naging makulit ba ito doon?"
"Ma, kahit saan mo 'yan pababantayan makulit na talaga 'yan." natatawang saad ko at sinamangutan naman ako ni Hades kaya pinisil ko ang kaniyang pisngi.
Gusto niya kasi talagang sumama sa akin kanina sa resort pero walang magbabantay kaya ibinilin ko na lang siya doon kay manang na katabi lang ng resort ang bahay nila.
"Asaan po si papa at lola? At tsaka sina Heather at Gael?" tanong ko kay mama na busy din sa pagbati sa mga bisita.
"Si papa mo ayun kausap iyong business partner niya kasama ang lola mo." saad ni mama. "Sina Gael naman at Heather ay nasa likod marami din kasing bisita sina Giselle karamihan ay mga kapatid niya at mga pamilya nito."
Kapag kasi may ganitong okasyon ay naghahanda din sina Tita kahit na pwede lang sila dito pero ayaw nilang walang tao sa kanilang bahay.
"Sige po puntahan ko lang si papa."
Umalis kaagad ako at pinuntahan si papa nagtatawanan sila ng kaniyang mga business partner ng madatnan ko sila. Humiwalay naman siya dito ng makita akong paparating sa kaniya.
Nakangiti akong niyakap siya at nagmano kaagad.
"Kain ka na 'nak. Iyong kapatid mo naiuwi mo na ba?" natatawang tanong niya sa akin. Alam niya kasi kung gaano ito ka kulit kapag pinapauwi.
"Opo nandoon na siya kasama ni mama." sagot ko naman.
"O siya kumain ka na." aya niya sa akin at kukuhaan niya na sana ako ng plato ngunit agad ko siyang pinigilan.
"Mamaya nalang ako kakain pupuntahan ko muna sina Gael at Heather."
"Sige ikaw ang bahala." isinauli niya iyong plato. "Siya nga pala nakarating na iyong kaibigan mo na galing Manila. Kanina lang nandoon din siya kina Gael."
"Sige po pa salamat!"
Masaya akong pumunta sa likod dahil makikita ko na ulit si Zandra. Isang buwan ko palang siyang hindi nakikita pero namimiss ko na kaagad ito.
"Ate! Saan ka pupunta?" narinig kong sigaw sa akin ni Hades kaya tinignan ko ito. At itinuro ang likod ng bahay. Naiintindihan naman na niya iyon kaagad. "Sama!" masiglang sigaw niya at agad na nagpakarga sa akin.
"Ang bigat mo na nagpapakarga ka parin," saway ko sa kaniya ngunit sumimangot lang ito sa akin.
Pagkarating sa bahay nina Gael ay nakita kaagad namin si Tito kaya nagmano muna kami dito bago pumasok. Ngunit pagpasok ko ng bahay nila ay agad akong natuod sa mga pamilyar na mukha na aking nakita lalo na sa lalaking nakatingin sa akin ng mabuti ngayon.
"Mini reunion na ba ito? O comeback?"
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022