Hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kaniya ng pumasok na sila nung sumunod na araw. Gayunpaman ay nakikita ko na lang palagi ang aking sarili na dumidistansiya kay Amir.
Mali ata ang ginawa kong desisyon na papasukin siya sa buhay ko. Sakit lamang ang palagi niyang ibinibigay sa akin.
"So, saan tayo gagawa ng project natin? Next week wala na tayong pasok." tanong ni Ivan sa amin. Nagkatinginan naman kami kaagad na magka-kagrupo ito talaga ang pinoproblema namin ngayon.
Iba dito sa school namin dahil may dalawang linggo kaming sem break para daw mabigyan kaming mga estudyante ng pahinga lalo na iyong mga teachers.
"Pwede naman siguro na paghatian na lang natin ang mga gawain para hindi na natin kailangang magkita-kita pa at upang ma-enjoy pa natin ang sem break." namamaos na sabi ko sa kanila at napatango naman ang lahat.
"Ayos iyong suggestions mo, Avi. Iyon na lang ang gagawin natin pero gagawa pa din tayo ng group chat para makapag-update tayo kung natapos na ba iyong mga gawain natin." dagdag ni Ivan kaya tumayo na kami at bumalik sa mga upuan ng napagpasiyahan na kung ano ang mga gagawin namin.
Mabilis lang nagsimula at natapos ang klase namin sa umaga ngunit wala akong maintindihan kahit isa dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Idagdag pa na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko dahil sa sakit.
Naramdaman ko naman ang isang malamig na palad sa aking noo kaya napatingin sa gumawa nito. Kunot noo akong tinignan ni Venice.
"Ang init mo. Pumunta ka na sa school clinic ba'ka ano pang mangyari sa'yo." naga-alalang sabi nito sa akin.
"Oo pupunta ako doon inaantay ko lang talaga na matapos sa pagdi-discuss si ma'am," sagot ko sa kaniya at tumango naman ito.
"Ms. Heaven?" tawag sa akin ng huling guro namin ngayong umaga, kagaya namin ay paalis na ito at maglu-lunch na din.
"Bakit po?" paos kong tanong pero pilit ko itong linalagyan ng masiglang tono.
"Pwede mo ba itong dalhin sa library?"
"Ah sige po," tugon ko at nagpasalamat naman siya bago umalis. Kinuha ko iyong libro at tinignan ang mga kaibigan ko. "Hatid ko lang 'to sa library."
"Punta ka na lang din ng clinic at maghingi ng gamot, may sakit ka kaya huwag kang magmatigas." bilin sa akin ni Gael kaya tumango lang ako sa kaniya bago tumalikod at naglakad na paalis ng classroom.
Nainis pa ako ng slight sa nagbabantay ng library dahil sa ang raming pinapagawa nito sa akin. Pareho lang naman kaming estudyante dito pero grabe siya kung makautos sa akin.
"Ilagay mo kung saan 'yan kinuha ah," paalala niya at tinaasan pa niya ako ng kilay ng binalingan ko siya ng tingin at umirap na lang ako sa hangin. Kairita!
Paano ko naman malalaman kung saan 'to kinuha eh si ma'am ang kumuha nito, bangag ba yung babaeng iyon?!
Pinasadahan ko lang ng tingin ang bawat istante at alphabetical ko na lang itong inilagay doon. Bahala siya hindi ko alam kung saan 'to kinuha ni ma'am atleast maayos ang pagkakalagay ko.
"Ay miss dito 'yan," napatingin ako sa nagsalita ng malumanay sa gilid ko. Maputi siya at maganda din, may pagka-inosente ang kaniyang mukha. "Ba'ka kasi mapagalitan ka dahil sa nilagay mo sa maling istante ang libro. At nakakapagod din ang paga-arrange nito pabalik."
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022