Lumipas ang ilang araw at dumating na nga ang pinakahihintay na araw ng mga kaibigan kong babae at ng aking pinsan.
"Diba sabi ko walang mangyayaring party mamaya!" inis na sabi ni Klent habang kami naman ay parang mga batang napagalitan ng papa nila. Bumalik pa naman si Zandra dito para lang makasama siya sa gagawin naming party mamayang gabi.
"Meron din namang kayong sariling party ah, nagreklamo ba ako?" balik namang sagot ni Gael.
"Iba naman kasi iyon wala kaming ibang kasama. Kami lang magkakaibigan, paano kung mayroon kayong kinuhang mga lalaki para sa party niyo at tsaka mabuntis ka tapos hindi ako ang ama kaya ay hihiwalayan mo ako kahit na ang totoo pala ako talaga ang ama, 'tas itatago mo lang sa akin anak natin ng ilang years." madramang sabi nito sa amin.
Napataas tuloy ang aking kilay dahil sa ang taas ng mga sinabi niya. Na-adik ka ata sa wattpad, Architect.
"Klent tumingin ka sa akin," pilit na pagpapaamo ni Gael dito. Ngunit iniiwas niya lang ang kaniyang mukha hanggang sa nagsimula ng magbilang ang aking pinsan. "Isa..."
"Ayoko,"
"Dalawa... Klent hindi mo gugustuhing umabot ito ng tatlo." ngunit hindi parin ito kumibo kaya napabuntong hininga na lang si Gael. "Baby, please."
"Why baby?"
Narinig ko naman ang parang nasusukang reaksyon ni Heather kaya humagalpak ako ng tawa at lumabas ng bahay para doon tapusin ang pagtawa ko. Gagi, ang rupok nilang dalawa.
Nakita ko naman si Amir na nakataas ang kilay sa akin habang nakatingin kaya agad akong tumayo ng maayos.
"Anong tinatawatawa mo?" tanong niya sa akin.
"Ang rupok kasi ng kaibigan mo parang iyong bangko na palaging inuupuan ni lola." natatawa parin ako dahil sa nangyari.
Napatango-tango naman siya sa akin. "Hmm. Matutuloy iyong party ninyu mamaya?"
"Ewan mukhang oo na hindi," sagot ko at nagpaalam na nang tinawag ako ni Gael.
Pumayag naman si Klent sa gagawin naming party basta wala lang daw lalaki at alak. Yung una ayos lang dahil wala naman talaga sigurong magpapapunta ng lalaki mamaya, pero yung pangalawa mukhang pahirapan dahil puro wild na ang mga kaibigan ko ngayon.
Ako at si Ivy ang naghanda para sa gagawing party mamaya pero dito lang daw sa isang hotel namin dito sa resort. Pumayag naman din si papa na gamitin namin iyon kaya napadali pa ang gagawin namin.
"Kayo na ba ulit ni Amir?" biglaang tanong sa akin ni Ivy kaya napatingin ako sa kaniya habang nagluluto dito sa kusina.
"Hindi naman," tugon ko.
"Ay bakit naman hindi?" napataas ang kilay ko dahil sa kaniyang sinabi.
"Hindi ba pwedeng hindi dahil sa wala pa naman iyan plano ko?"
"Natatakot ka lang kasi na ba'ka hindi magwo-work ang relationship ninyo dahil sa nangyari noon. You need to free yourself from the past, Avi." turan niya.
"But how?"
"Maybe dapat tanggapin mo muna ang lahat ng nangyayari, ba'ka nga ay natanggap mo na pero itinatanggi mo lang. At tsaka kalimutan mo na ang lahat ng nangyari nung nakaraan." suhestiyon niya.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Ficção Adolescente"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022