Chapter 22

6 1 0
                                    

Habang kumakain kami ay walang nagsasalita at mukhang may tensyon pa sa aming hapag. Napabuntong-hininga na lamang ako, hindi ako sanay na ganito kami.





Nagpaalam naman si papa sa amin na mauuna na siya sa resort dahil marami siyang iniwan na trabaho kahapon at marami din ang guest ngayon dahil linggo. Si mama naman ay walang paalam sa amin na umalis ng bahay, hindi din namin alam kung saan siya pupunta dahil hindi siya sumabay kay papa.





Pagkatapos kumain ay kakausapin ko na sana si Heather ngunit agad itong tumalikod pagkatawag ko palang sa pangalan niya.





"Heather," tawag ko sa kaniya ngunit nagpatuloy siya sa pagakyat papunta sa kwarto niya. "Wait lang!"





"I don't want to talk to you for now, Ate. Magpapahinga muna ako." malamig na saad nito sa akin kaya wala sa sariling napatango na lamang ako.






Naglapat ang labi ko pagpasok niya sa kaniyang kwarto. Hindi ko naman siya dapat kulitin dahil ba'ka mainis lamang iyon sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at bumaba para bumalik sa sala.






Nandun naman si Gael na mukhang sinusubaybayan ang aking bawat galaw. Nakita din niya siguro ang pagsunod ko kay Heather kanina.






"Pinakinggan ka ba niya?" bungad na tanong niya sa akin.





I shook my head. "Magpapahinga daw muna siya." sagot ko.





"Pabayaan mo muna ang kapatid mo babalik din iyan sa dati at kakausapin tayo." usal niya.





Wala naman akong ibang magawa kaya bumalik na lang din ako sa aking kwarto matapos naming mag-usap ni Gael sa sala. Umabot din ng dalawang oras ang pag-uusap namin.





Pagpasok ko sa aking kwarto ay naligo na muna ako at inayos ang mga gamit sa kwarto ko pagkatapos kong maligo. Agad naman akong dinalaw ng antok dahil sa pagod. Hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala hindi man lang ako nakakain ng pananghalian pero ayos lang sanay naman na ako.






Alas tres na ng hapon kaya bumaba muna ako at pumunta ng kusina upang kumuha ng makakain hindi ko alam na nandoon pala si Lola, she just smiled when she saw me.






"Pwede ka ba kitang mautusan apo?" tanong nito sa akin kaya tumango lang ako dito.





"Ano po iyon?"





"Ibigay mo ito kay papa mo doon sa resort nagsabi kasi ang mga staff ko na hindi daw iyon kumain kaninang tanghali." binigay naman niya sa akin ang isang tupperware na may lamang pagkain.




"Sige po lola magbibihis lang ako,"




Mabilis lang akong nakapagbihis at pumunta na kaagad ng resort pinapasok naman kaagad ako ng guard ng makilala niya ako. Binati ako ng ilang mga staff nang dumaan ako sa front desk nila. Nginitian ko lang ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad papuntang office ni papa.






"Hello, maam! Ano po ang maitutulong ko sa inyo?" tanong ng isang babae na staff ng makasabay ko ito pagpasok ng elevator. Kilala ko ang babae na ito siya iyong secretary ni papa na inakala at pinagbintangan ni mama na kabit. Sumugod pa siya noong nakaraan dito sa resort para lang mahanap ang babaeng ito ine-request pa niya na tanggalin ito sa trabaho niya bilang secretary ni papa.






Hindi naman pumayag si lola na tanggalin na lamang siya sa trabaho niya dahil kulang ang mga staff ng resort ngayon at marami na din ang pumupunta ditong mga guest. Nahihiyang tumingin at ngumiti ako dito.





My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon