"Salamat pala sa ginawa mo kanina," pagpapasalamat ni Gael kay Amir. "Kung hindi dahil sa'yo ba'ka ano na ang nagawa sa amin ng mga lasing doon.""No problem. Hindi naman sila mga basagulero o mga bastos dito may tama lang ng alak kaya ganun ang pakikitungo nila," saad ni Amir at tinignan kami. "Mag-iingat na lamang kayo sa susunod."
"Matagal ka na ba dito naninirahan?" tanong ni Gael ako naman ay tahimik na nakikinig sa kanila.
Nandito na kami sa harap ng bahay namin dahil hinatid kami ni Amir dahil ba'ka daw may makasalubong nanaman kaming mga lasing sa daan at kung ano pa daw ang mangyaring masama sa amin. Gusto ko na ngang pumasok sa loob pero huwag na lang kasi ba'ka sabihing bastos ako.
Tinulungan niya pa naman kami.
"Sa Manila ako lumaki kasama ang mga kapatid ko pero dito namin pinili na manirahan kaya mas may alam na kami sa lugar na ito at sa mga tao." sagot sa kaniya ni Amir.
"Ah kaya pala," saad ni Gael at inilahad ang palad nito sa lalaki. "Gael Janine Santos nga pala." pagpapakilala niya dito.
Tinanggap naman ng binata ang kaniyang palad. "Amir David Garcia."
Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't-isa ay tumingin sila sa akin. At siniko naman ako ni Gael.
"Magpasalamat ka sa kaniya girl tinulungan tayo niyan," bulong nito sa akin. Tinignan ko naman siya ng matalim.
"Ayoko nga magkaaway kami niyan no," saad ko sa kaniya kaya pinandilatan niya ako, napabuntong hininga na lamang ako. "Fine."
"S-salamat sa pagdating mo kanina dun sa may tindahan." pagpapasalamat ko sa kaniya at itinaas niya naman ang kaniyang kilay. "A-ano... Sorry din kanina sa ginawa kong pagsapak sa'yo nagalit lang kasi ako dahil tinawag mo 'kong bata kahit hindi naman na."
I heard him chuckled for what I've said. "Yeah hindi ka na nga bata sinabi mo nga diba malaki future mo? Naniniwala na ako."
Dahil sa sinabi niya tinignan ko siya ng masama at napahinto siya sa pagtawa. "Heaven Avrianna Santos,"
Inilahad ko sa kaniya ang kamay ko at tinanggap niya naman ito. "Nice to meet you."
"Gaga! Sinabi mo pala sa kaniya na malaki ang future mo?" natatawang saad ni Gael sa akin ng makapasok na kami sa bahay at siya naman ay ginagamot ang sugat ko.
"Bakit hindi ba?" sarkastikong saad ko pero tinawanan niya lang ako.
"Pero infairness ang pogi pala nung Amir hindi ko kasi siya natignan ng maigi kanina kasi busy ako kakasaway sayo," sabi niya sa akin. "Bagay kayo."
Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Tao ako girl hindi bagay," sarkastikong saad ko nanaman sa kaniya kaya sinapak niya ako ng mahina sa braso.
"Ayusin mo nga ang mga sagutan mo sa akin, ba'ka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo?" Napaayos naman ako sa aking pag-upo at tinignan siya.
"Girl, hindi mo agad masasabi na bagay kaming dalawa sa ganoong tagpo at napakaaga na oras."
Nakapabilis naman niyang magbigay ng mga conclusions sa mga ganitong bagay. Kakakilala lang namin sa tao sasabihin agad na bagay kami? Ano siya manghuhula?
"Alam mo ba na lahat ng mga sinasabihan ko ng bagay sila sa isa't isa ay nagkakatuluyan talaga?" nakangising asong tanong niya sa akin kaya inirapan ko ito. "Huy totoo! Noong una kong makita si papa kasama si papa mo sinabi ko na gusto ko rin siyang maging papa dahil bagay naman sila ni mama. Oh diba nagkatotoo nagkatuluyan ang dalawa."
BINABASA MO ANG
My safe haven
Ficțiune adolescenți"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022