Chapter 30

12 1 0
                                    

Author's Note: This chapter is dedicated to myrrhen thank you for following me friend <:






Iba talaga kung maglaro ang tadhana gusto niya ata talagang huwag na akong makamove on sa lalaking iyon. Hindi ako makapaniwalang nakausap ko siya kagabi.




Pero iyong dating sigla ng kaniyang mga mata at iyong malambing niyang boses ay nawala na. Lahat nga talaga ay nagbabago sa paglipas ng mahabang panahon. At ano ba ang aasahan ko sa kaniya na kapag nakausap ko siya ay babatian at sasalubungin niya ako with wide open arms?





Remember Heaven, ikaw ang nang-iwan kaya wala kang karapatan na magreklamo sa pakikitungo niya sa'yo at tsaka matagal na kayong wala siguradong nakamove-on na iyong tao sa'yo.





Maaga akong nagising kaya nauna na lang akong kumain kesa sa mga kasama namin dito sa bahay dahil napagod ata sila kagabi, ang rami kasing bisita at natapos lang ang kainan mga ala una na ng umaga.





Wala naman akong ibang gagawin ngayong araw kundi ang makipagkita sa anak ng business partner ni papa. Gusto daw akong ayain na lumabas at kumain kahit na naiilang ay hindi na lang ako nagreklamo pa dahil para din ito sa business ang gagawin at pag-uusapan namin.





Lumabas naman sa kaniyang kwarto si Heather na bihis na bihis, akala ko ba ay wala siyang pasok ngayon?





"Akala ko wala kang pasok ngayon?" takang tanong ko sa kaniya habang papunta siya sa kusina at nagtitimpla na ng inumin.




"Sasama ako kina Ate Gael at kay Zandra na mamasyal," sagot niya bago uminom sa kaniyang itinimplang inumin. "Ikaw ba hindi ka sasama?" balik-tanong niya.




I shook my head and continue on what I am doing. "Makikipagkita ako sa anak ng business partner ni papa." tugon ko.




"You have a date?"




"Makikipagkita lang, hindi date." paglilinaw ko sa kaniya. Iba naman kasi iyong date sa pakikipagkita.




"Whatever," at nagsimula na siyang maglakad pabalik sa kaniyang kwarto. "Just keep safe and have fun, sis."




"Malapit lang naman dito kung saan kami magkikita." saad ko sa kaniya. "But yeah, I will. Kayo din mag-ingat kayo."




Inaya din naman ako kagabi ni Zandra pero agad ko din naisip na may kikitain din pala ako ngayon. Nanghingi na lang ako ng pamumanhin sa kaniya at babawi na lang ako bago siya bumalik ng Manila.





Nakarinig ako ng mga pag-uusap sa likod ng bahay maybe sila na iyong mga magta-trabaho sa bahay nina Tito. Ipapa-renovate kasi nila ito dahil matagal na itong hindi napaayos simula nung umalis na kami dito.




Ang ibang mga gamit na din nila ay panandaliang nandidito sa bahay ni lola. Kukunin lang daw nila ito bukas para ibenta sa shop na pinatayo nila last year at bibili na lang sila ng mga bagong kagamitan.





Pumasok naman sa loob ng bahay si Gael na umaga pa lang ay nakakunot na ang kaniyang noo. Agad siyang pumunta ng kusina at uminom ng tubig.




"Angyare sa'yo?" takang tanong ko.




"Nakakabwiset iyong mukha ng architect namin. Umaga pa lang sira na ang araw ko, bakit ba kasi hindi na lang si Heather ang kinuha ni papa? Gusto niya ata talagang mang-inis sa akin." bubulong-bulong pa siya habang inis na ibinalik ang pitsel na kaniyang kinuha sa loob ng ref.





My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon