Chapter 12

18 2 0
                                    


Dala ko ngayon ang mga papeles ni papa at papunta ako ngayon sa resort. Inutusan kasi ako nito na ihatid ito doon at ibigay sa manager ang mga papeles.

Kanina pa lang kami nakauwi galing ng paaralan at wala naman kaming assignments kaya ginawa ko na lamang ang inuutos ni papa sa akin.

"Magandang hapon po, Ms. Heaven." bati ng isang staff sa akin kaya ngumiti ako dito.

"Magandang hapon din po." Bati ko pabalik sa kaniya. "Hinahanap ko po sana ang manager ng resort, nasaan po siya ngayon?"

"Nasa office niya po siya ngayon, Ms. Heaven." saad ng staff at inihatid ako sa office ng manager. Nang makarating naman ay agad akong nagpasalamat sa kaniya.

Kumatok na muna ako sa office at ng makarinig ng boses ay agad akong pumasok.

"Good afternoon po." bati ko dito.

"Oh! Good afternoon, Ms. Heaven." bati ng manager sa akin.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi na kaagad ang mga gustong ipabatid ni papa sa kaniya. Nang matapos ay umalis na ako kaagad at pabalik na ako sa bahay ng may makilala akong kumakaway sa akin sa may lobby ng resort.

Napataas ang kilay ko ng malapitan ko siya. "Oh? Ba't ka andito? Araw-araw ka bang naliligo sa dagat at parati kitang nakikita dito sa resort?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Our family is one of the shareholders of this resort," kwento nito sa akin. "Ako lang ang palagi nilang inuutusan para kamustahin ang mga nangyayari dito sa resort." ngumiti ito sa akin kaya napatango ako.

Nagsimula naman na kaming maglakad papunta sa labas ng resort. "Pero akala ko you're from a family of politicians,"

"Nah! Father side ko lang ang politicians at mga negosyante na ang mga nasa mother side ko." sagot niya.

"Woah! Yayamanin." biro ko dito. Napatawa naman siya sa aking biro.

"Pamilya ko lang ang mayaman hindi ako."


"Pa-humble," dagdag ko at binangga niya naman ako sa braso mahina lamang ito para sa kaniya pero sobrang lakas ng impact nito sa akin. Hello ang liit ko lang kaya!

"Di joke lang, sorry." agad naman niyang sabi pagkakita sa gulat kong reaksiyon. "Bakit ka pala nandito?"

"Close na ba tayo?" pabalang kong tanong sa kaniya. Nakita ko naman na mukhang napahiya ang kaniyang ekspresyon kaya agad ko itong binawi. "Di charot lang! Inutusan lang ako ni papa na maghatid ng mga papeles doon sa manager ng resort."

"Ah okay," maikling tugon niya. "Hatid na kita sa bahay niyo."

Iba din lume-level up may pahatid portion na.

"Ikaw kung hindi ka naman busy, bakit hindi?" sagot ko at nakita ko namang lumiwanag ang mukha nito.

Nagku-kwentuhan kami palabas ng resort ng may makilala akong isang tao na papasok sa gate ng resort kaya agad ko itong nilapitan.

"Heaven?" naguguluhan na tawag sa akin ni Amir ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglapit sa lalaki na aking nakilala.

"Hala ikaw si Alpha di ba?" gulat kong tanong sa kaniya at mukhang nagulat din siya sa aking ginawa dahil napaatras ito. "Ay sorry, ako iyong kapatid ni Heather." pagpapakilala ko.

Napatango naman siya ng mamukhaan niya na ako. "Hello! Nandito pala kayo." gulat paring saad nito. Malalim ang boses niya ngunit malumanay.

"Ay oo dito ang probinsya namin. Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Mukhang alam ko na kung bakit siya nandito.

My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon