Chapter 15

12 2 0
                                    

Author's Note: Ngayon ko lang napansin ang bilis ng timeline hahahaha. Sorry friends>: hope you understand. And sorry for the wrong grammars and typos.


••¤¤¤••


After we eat I took some photos of us. At first, Amir refused to take a photo with me, pero kinumbinse ko siya at hanggang sa bumigay ito sa kakulitan ko.

Chineck ko muna ang mga litrato na nakuha at napangiti. He's really cute with his dimple on the side. Naglalakad na kami pabalik ng school at dahil malayo-layo pa ay tinitignan ko muna ang phone ko.


"Do you have a facebook account?" biglaang tanong ko sa kaniya at kunot noo naman niya akong tinignan.


"Why? I have a facebook account pero hindi ako masyadong active doon," napatango ako sa kaniyang sinabi.

"It's okay. I'll just tag you naman sa ipo-post ko." ani ko.

"You can search Amir David Garcia," inilabas naman niya ang kaniyang phone at ako naman ay agad isinearch ang kaniyang account at nakita ko naman ito.

Mabilis niyang inaccept ang friend request ko kaya I tag him on my new post. And less than 10 minutes ay agad itong binaha ng iba't ibang reaction at kaagad dumami ang mga comments nito. Nagtaka ako dahil hindi naman ganito kadami ang friends ko dito sa facebook.

Hindi kasi ako masyadong nago-open ng facebook at minsanan lamang itong pagpo-post ko. Siguro ay mga friends niya ang iba dito dahil ang iingay nila sa comment section.

Klent: Kaya pala ang taggal pumunta dito sa tambayan, iba na pala ang gustong kasama.

Mike: Hindi na ikaw ang Amir na nakilala ko😭

Ivy: Girl! Tandaan mo yung motto natin palagi ah?! "Landi responsibly"

Gael: Akala ko ba sa Mapeh department lang? Bakit nasa labas kayo? Naiba na ba ang daanan?

Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil sa mga nababasa kong comment nila. Hindi ako slow para hindi maintindihan ang kanilang mga sinasabi, masyadong malumot ang utak ng mga kaibigan ko today.

"H-huwag mo na lang pansinin ang mga kaibigan ko sa comment, naglolokohan lang sila." nahihiyang saad ko kay Amir narinig ko naman na tumawa siya ng mahina.

"It's okay," paninigurado niya at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng school.

Dumiretso na lamang kami sa classroom namin at hindi nga ako nagtaka ng pagpasok namin ang mukha ng aming mga kaibigan ay nang-aasar na. Sinamaan ko naman ng tingin si Gael ng pinaalon-alon niya ang kaniyang kilay habang nakatingin sa akin.


"Alam ko ang tumatakbo sa isip mo Gael huwag ako," mahinahon na sabi ko sa kaniya at umupo ng maayos. Tumikhim lang naman ito at umayos na rin ng upo.


Pansin ko ay wala sina Venice at Ivy dito napailing na lang ako ng maisip na sinama ni Ivy si Venice doon sa classroom ng crush niya.


Walang pumasok na teacher sa amin ngayong hapon dahil nga rin ay tapos na ang aming quarterly exam kaya napag-usapan na lang rin namin ang gagawin na booth para sa darating na intrams.


Nasa harapan si Tali dahil siya naman ang nagkukunwari naming vice president kahit na ako. Gusto ko naman itong pag-usapan namin ngunit nauna ng tumayo si Tali kaya hindi na ako sumingit pa at hinayaan na lamang siya.


"Diba mayroong mga ibang activities ang intramurals maliban sa mga booths?" tanong ni Gael kaya tumango din si Tali.


"Ah yeah, pag-uusapan din natin iyan at magli-lista tayo ng mga classmates natin na magpa-participate sa mga activities," mahinahon na sagot ni Tali sa kaniya at tumango naman si Gael. "But for now, let's focus muna sa booths na gagawin natin."

My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon