"Tol ang bastos ni Ms. Sungit sinilipan niya tayo kanina," naririnig kong pagmamaktol ng isang kaklase kong lalaki. Napayuko na lamang ako sa hiya.Siguradong aasarin nanaman ako ng mga ito. May mga narinig pa akong tawanan sa aking likod. Buwesit!
"Sino ba iyang si Ms. Sungit?" rinig kong malamyang tanong ni Tali.
"Edi iyong crush nitong si Amir," nang-aasar na sagot ng kaklase naming lalaki.
"Ahh..." Ito lamang ang naging sagot ni Tali sa kanila.
"Tumigil na nga kayo," narinig kong saad ni Amir at kita rin sa gilid ng aking mata ang pagngisi nito. "Para ng kamatis sa pula si crush ba'ka sumabog 'yan dito." dagdag nito na nagpa-ani ng pang-aasar sa mga kaklase naming nakarinig.
Napatigil naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi naman sa paga-assume pero what if lang na ako pala ang tinutukoy nila? O ba'ka naman may iba pang babae na pumasok kanina sa room habang nagbibihis sila?
Tama! Tama! Ba'ka may iba pang kaklase kong babae ang pumasok doon na nakita silang nagbibihis.
"Ayos lang na pag-usapan natin ang crush mo 'tol manhid naman iyon eh." narinig kong saad ni Mike.
Nagsimula na ang aming P.E class at itinuro lang ng teacher namin ngayon ay ang mga basic dance steps ng cha cha.
"Sige this time, grab your own partner and lets execute the basic dance steps of cha cha." announce ng teacher namin kaya ang mga babaeng kaklase namin ang nag first move kaagad at pumunta sa mga kaklase naming mga lalaki.
At kasali na doon si Gael at Ivy. "Hindi naman kayo ganun ka excited no?" sarkastikong tanong ko sa kanila ngunit nginisihan lang nila ako.
"Ano ka ba grab the opportunity girl," hirit ni Gael.
Hindi naman sa pagmamayabang ngunit lahat ng mga kaklase naming lalaki ay puro nagga-gwapuhan kahit iyong si Ivan na tahimik lang ay may hitsura din.
"Palagi na lang tayong naiiwang dalawa," nakangusong saad ni Venice sa aking gilid kaya kumapit ako sa kaniyang braso. Tinignan naman niya ako. "Teh hindi tayo talo huwag kang magkakamali diyan."
Itinulak ko naman siya at pabirong sinamaan ng tingin. "Gaga hindi din ako papatol sayo 'noh!"
"Amir!" narinig kong tawag ni Tali kay Amir kaya tinignan ko sila ngunit nakita kong nakatingin si Amir sa akin kaya napataas ang kilay ko dito. Nakita ko din na dumaan ang pagkainis sa mukha ni Tali.
Ngunit agad din itong naging maamo at tumingin kay Amir. "Ikaw na lang ang kapareha ko wala pa kasing nag-aaya sa akin." mahinhin na saad nito.
"Pasensya ka na Tali may partner na ako," sagot naman ng binata na nakapagpahinto sa babae.
Ako naman para hindi nila malaman na nakikinig ako ay nagkukunwari akong nagpa-practice sa gilid. Sinaway tuloy ako ni Venice.
"Mapagpanggap ka di ka naman nakikinig kay sir kanina," nakangusong saad ni Venice at tinawanan naman ako ni Ivan na kanina pa pala nandito sa aming gilid.
"Nakinig ako di mo lang nakita." inirapan ko ang dalawa.
"S-sino naman? Kanina ka pa kaya diyan at wala pang lumalapit sa iyo." nauutal na tanong ni Tali.
Bigla naman akong kinabahan ng maglakad si Amir papunta sa kinatatayuan namin at ng nasa harapan ko na siya ay bigla itong nagsalita.
"Pwede ka bang maging kaparehas ko, Heaven?" tanong nito na nagpatingin sa akin kay Tali na masama ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022