"Sa bahay na lang tayo kumain?" tanong sa amin ni Gael kaya nagtinginan kami ni Heather.
"Hindi pwedeng malipasan ng gutom si Heather," saad ko at tumango tango naman si Heather at kasunod nito ay nawala na siya sa aming paningin dahil pumasok na sa isang fast food.
Nakarating naman kami ng Robinson yun nga lang nawala pa kami sa daan bago kami nakarating dito. Buti na lang at makapal ang mukha ng pinsan ko at marunong magtanong-tanong sa ibang tao.
Sinundan na namin si Heather sa Jollibee. Buti na lang at may dala akong pera pangkain namin dahil ang akala ko talaga gagala lang kami at walang bibilhin. Window shopping lang ganun.
"Tatlo din pong sundae," saad ni Heather at ibinigay na agad ang bayad namin. "Hanap muna tayo ng table."
Naghanap kami ng mauupuan at kung minamalas ka nga naman nakita namin sina Amir at ang mga barkada niya na kumakain din dito sa loob ng Jollibee.
Nakita ko lang siya kanina sa bayan namin ah? Ang bilis naman nilang nakapunta dito.
"Oh? That's the girl yung sumapak sa iyo kahapon Amir, right?" tanong ng isang babae na palagi kong nakikita na sobrang close kay Amir. At siya rin palagi ang unang nakakapansin sa amin.
Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at mukhang kinukuha ang atensyon namin. "Here, Ms. Santos?" patanong niyang saad sa amin. Mukhang nagdadalawang-isip kung kami ba talaga ang Ms. Santos na kilala niya.
"Ms. Santos daw," saad ni Gael.
"Tawag tayo." saad din ni Heather at naunang lumakad at lumapit sa table nila Amir dala niya na rin ang inorder niya kanina.
Sumunod na lamang kami dahil wala rin namang bakanteng table dito at maluwag naman ang kanilang table kaya makikiupo na rin kami.
Actually nasa apat lang sila ngayon usually kasi nasa mga anim silang magkakasama. Dalawang babae at apat na lalaki. Ngayon ay dalawang babae lang ang naririto at dalawang lalaki at isa sa mga lalaki ay si Amir.
"Hello nice to see you here pala," nakangiting bati ng babae sa amin masasabi kong conyo ang datingan ng babae.
Ngumiti lamang kami sa kanila dahil hindi naman namin sila kakilala at si Amir lang ang masasabi kong nakilala nanamin dahil sa nangyari kagabi.
"By the way, I'm Talia you can call me Tali." pagpapakilala niya sa amin kaya inilahad namin ang kamay namin sa kaniya at tinanggap naman niya ito.
Sunod niyang ipinakilala ang isang babae na si Val na pansin ko ay hindi kami gusto dahil sa sunod-sunod na pag-irap nito sa amin sa tuwing sinasagot namin ang tanong ni Tali.
Akala naman niya ikinaganda niya ang pag-irap niya, mukha naman siyang uod na nilagyan ng Vetsin. Sorry for my words, my dear.
Sinunod naman niyang ipakilala ay si Klent. Namumukhaan ko na ito dahil siya iyong isa sa kasama nila sa airport noong nakaraang araw at ganun parin ang mukha nito na parang walang pakialam sa kaniyang paligid.
"And I think you know naman na this is Amir nasapak muna nga siya kahapon," humagikhik naman ito at sinamaan siya ng tingin ni Amir. "I didn't mean it, Mir." natatawa parin niyang saad dito.
"Nice to meet you pala." Nagpakilala naman kami sa kanila at inaya naman nila kaming umupo sa tabi nila.
Salamat naman at naalala pa nila na kanina pa kami nakatayo dito. Umupo na kami at nagsimula na ring kumain at paminsan minsan naman ay nag-uusap kami ngunit sila ang unang nagbubukas ng usapan.
"So are you living here in Cebu for good or nagba-bakasyon lang kayo dito?" Ito ang unang beses na nagtanong sa amin si Amir kaya agad naman itong sinagot ni Heather.
Ako sana iyong pasasagutin niya pero ibinaling ko sa kabilang banda ang paningin ko at hindi pinansin ang tanong niya. Nakikita niya namang kumakain iyong tao dito eh.
"For good na siguro kami dito, tutulungan kasi ni papa si lola sa pagma-manage ng resort," sagot ni Heather.
"Dito na rin kayo mag-aaral? Anong grade niyo na? Nakapagpa-enroll na ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni Tali kaya ako na ang sumagot dito nabulunan kasi si Gael na siyang sasagot sana.
"Oo dito na kami mag-aaral at hindi pa kami nakakapagpa-enroll. Grade 10 na kami this coming school year," matamis kong sagot kay Tali.
"Grade 10 lang din kayo?!" gulat na tanong ni Val. Kaya tumango kami dito. "I thought your all in college na you look matured."
I take that as a compliment. Marami talagang nagsasabi na para daw ang matured naming tignan tatlo lalo na kapag nakapormal daw ang galawan namin. Pero akala lang nila iyon kasi hanggang ngayon ay para talaga akong bata kung mag-isip kapag nasa paligid ko ay mga taong ka-close ko na.
Hindi pa naman talaga kasabayan namin itong si Heather ngunit pina-take siya ni mama ng acceleration test at nakapasa naman kaya pinayagan na makasabayan namin siya. Hindi nga lang kami nagiging classmate dahil lagi siyang nasa mga lower section inilalagay ng mga teachers.
"What if sumabay na lang kayo sa amin na magpa-enroll this monday?" Tali suggested. Tumango naman si Klent at Amir at pilit naman ang kay Val.
"Oo nga, hindi niyo pa naman kabisado ang lugar." sabat ni Klent sa usapan.
"Pwede naman pero ba'ka magmadali kayo sa araw na iyon. Kami na lang siguro ang pupunta doon nakakahiya naman kasi sa inyo." saad ni Gael sa kanila.
"Hindi na dapat kayo mahiya sa amin. Gusto kasi naming makipagkaibigan sa inyo kaya gusto rin naming makasabay kayo." saad ni Tali.
"Huy ika—" Hindi natapos ni Amir ang sasabihin niya dahil agad na pinalsakan ni Tali ang bibig niya ng fries.
"Ano may sinasabi ka, Mir?" pinandilatan pa niya ito ng mata at binigyan ng pekeng ngiti ang isa naman ay masama lamang na tumingin sa kaniya.
Alam ko naman na ayaw niya kaming maging kaibigan no. Hindi ako manhid para hindi mabasa ang mga galawan nilang magkakaibigan.
Genuine naman itong si Tali sa pakikipagibigan niya sa amin di ko nga lang sure sa mga kasamahan niya.
Pagkatapos naming kumain ay isinabay na rin nila kami pauwi sa bayan. Hindi na kami nagpabebe pa dahil hindi na talaga namin kabisado ang daan pauwi. Ba'ka mas lalo pa kaming maligaw na tatlo.
"Salamat sa paghatid sa amin," pagpapasalamat namin sa kanila at binigyan sila ng ngiti.
Inilabas naman ni Amir ang mga pinamili namin at ibinigay ang mga ito sa amin huli niyang ibinigay sa akin ang isang plastic din. Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkailang ng magkabangga ng kaunti ang mga kamay namin.
Agad rin naman niyang binitiwan ang plastic at naglakad na paalis. Ang pinsan at kapatid ko naman ay makahulugan na itong tumingin sa akin sabay pa itong ngumisi.
Parang mga praning.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022