CHAPTER TWO

6.7K 396 56
                                    

The Dark Triad

"This is the first gymnasium here in Stallion. Para lang 'to sa men's basketball team. Sa kabila yung para sa amin." Wika ni Vesta pagkapasok namin sa gymnasium.

Kilala ang Stallion sa pagiging competitive nito sa ibat-ibang uri ng sports. Balita ko, madalas na hakot nila ang awards sa kahit anong competition maliban sa isa, ang chess.

Kasalukuyan nila akong inililibot sa buong university dahil sila ang nautusan na gawin iyon. Pagkatapos ng eksena sa diner ay dumiretso ako sa Dean's office para sa orihinal na pakay ko rito ngayong araw. Sakto na nasalubong namin sila kaya sila na ang nautusan at ito ang magaling kong mga pinsan ngayon na nakasimangot habang nililibot namin ang university.

"Buong area na 'to ay para sa mga athletes lang. Ang tanging nakahiwalay lang ay ang mga swimmers dahil nakahiwalay ang natatorium dito." Segunda ni Viola na nagpatango sa akin.

"I wanna see the archers and swimmers." Sambit ko kaya nagkatinginan sila.

"Kailan ka pa nagkainteres sa ibang sports maliban sa chess?" Pang-uusisa ni Viola kaya mula sa mga basketball players na abalang nagpapraktis ay nabaling sa kaniya ang tingin ko.

"Since when did you start to be this slow?" Balik ko rito nang may mapang-asar na ngisi sa labi.

I clearly uttered that I wanna see the archers and the swimmers tapos sports nasa isip nilang dalawa.

Sabay naman nanlaki ang mata nila nang marealize ang kabagalan nila pareho. Napailing na lang ako at nauna nang maglakad. Pansin ko pa ang mangilan-ngilang tingin na pinupukol sa aming tatlo ng mga nadadaanan naming estudyante pero gaya ko, hindi rin nila pinapansin 'yon. Sanayan na lang talaga para hindi awkward.

"Wala ka bang girlfriend ngayon, Uno?" Tanong ni Viola na inilingan ko lang.

After I found out that my ex-girlfriend cheated on me, hindi na ulit ako nag entertain ng iba pang lumalapit sa akin. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng iba na girlfriend ang gusto ko at hindi boyfriend dahil matagal ko nang inilabas ang tungkol doon noon pa man.

"Hanggang ngayon ba yung ex mo pa rin na manloloko ang laman niyan?" Sunod na tanong ni Vesta na nagpatigil sa akin.

"It's been four years, Dos. Nakamove on na ako sa kaniya." Sagot ko rito kaya tumango lang siya.

Tahimik namin narating ang archery range kung saan abala ang mga archers ng Stallion sa pag-eensayo nila.

"Ang sexy talaga ng ibang archers. Kaya masarap din tumambay dito minsan." Komento ni Vesta na nililibot din ang tingin ngayon.

"Mas sexy pa rin kaming volleyball players 'no!" Reklamo agad ni Viola na tinawanan ko lang.

"Who's that kid?" Tanong ko sa dalawa habang nakatingin sa batang babae na may hawak ngayon ng isang recurve bow.

"That's Andromeda Arellano. Apo ng may-ari nitong Stallion." Seryosong tugon ni Vesta.

"She's an archer too?" Manghang tanong ko habang nakatitig pa rin sa bata.

"Nah. Hilig lang niya ang archery kaya minsan dinadala siya rito ng Dark Triad para magpractice." This time si Viola na ang sumagot.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon