[A/N]: It took me long to finish this draft for some reasons that you'll know once you read this one. Additionally, this will be the last chapter na POV ni Vren ang mababasa niyo. I personally reserved the last two chapters before Epilogue for Aquila na because I love my other girl too HAHAHAHAHA. This is the only spoiler that I can give sa ngayon HAHAHAHAHA yung ending hindi.
Ma-miss niyo sana si Vren De Mevius o Uno.
The Ending: Ember to Illuminate
Hawak ang kamay ni Andy ay tahimik namin pinapanood ang apoy na patuloy na tumutupok sa pangarap ni Frank at nagsisilbing liwanag ngayon sa madilim na gabi ng lahat. Tanging tunog lang ng mga nagbabagsakan na parte ng gusali at mga pagsabog ang ingay na naririnig namin dahilan para minsan pang magulat ang batang hindi na umalis sa tabi ko.
"Miss Andy, let's go inside the car so you can rest." Iginiya ni Alas si Andy kaya sandaling nabaling rito ang atensiyon ko bago tuluyang napako ang mga mata sa gusaling unti-unting nawawasak sa harap ko.
"How can you let this happen? How can you let our evil father took my sister away?" bagaman kalmado ang boses ay ramdam ko pa rin ang galit at paninisi sa tono ni Miss Crimson nang bitawan niya ang mga tanong na 'yon.
Hindi ko ito nilingon kahit isang beses. Pinili ko rin ang hindi sumagot pa dahil alam kong pagkakamali ko rin ang nangyari. Hindi ko inaasahan na gagawin ni Aquila ang pakikipag-usap sa ama nila dahil lang wala na siyang ibang maisip na paraan. Katulad ng kasiyahan na minsan dumaan sa buhay niya, kahit ang munting pag-asa na meron ito ay tuluyang kinuha nila.
Hindi lang din ang dalawang Arellano ang nandito. Kasama namin ngayon si Dad at iilang mga tauhan nito na binabantayan sila Vesta at Viola na hanggang ngayon ay blangko lang ang ekspresyon magmula nang dumating sila.
"So, this was all Frank's idea? He killed your brother and planned to control you so he could control our family," rinig kong saad ni Dad na kuyom ang kamaong nakatanaw sa harap namin ngayon.
"This is only just the beginning..." walang emosyon na hinarap ko ang mga kasama ko. "I will destroy everything, bit by bit, pieces by pieces, wala akong ititira sa pangarap ni Frank."
"I stole the seal. Your Grandpa will be here anytime now," hayag ni Dad at sa sandaling banggitin niya ang huling salita at siya ngang pagdating ng mga taong kanina ko pa hinihintay.
Mabilis kong kinuha ang baril na itinago ko sa likurang bahagi ng katawan ko at pinaputukan ang isa sa mga sasakyang parating kaya naalarma ang mga kasama ko. Sinubukan agawin ni Dad ang baril na hawak ko pero itinulak ko lang ito at sinadyang ubusin ang mga balang laman ng magasin ng baril na hawak ko.
Sinadya ko 'yon dahil alam kong hindi rin naman tatamaan ang mga nasa loob. After all, bulletproof ang mga sasakyan na ginagamit nila Grandpa at ng Councils.
"You're really out of your mind! What a treacherous leade--" hindi nito natapos ang sasabihin niya matapos makababa ng sasakyan nang taniman ko ng bala ang ulo nito mula sa kinatatayuan ko.
Bubunot sana ang bodyguard niya pero mabilis tumumba ito nang si Vesta naman ang nagpaputok ng baril niya.
"Uno, what is this? Are you really betraying our family?" kalmadong tanong ni Grandpa sa akin na parang walang namatay sa tabi nito ngayon lang.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: