CHAPTER EIGHT

6.2K 310 105
                                    

Aquila or Jade?

Huni ng mga ibon at pito ng coaches ang tanging ingay na humahalo sa hangin na dumadampi sa balat ko ngayon. Nasa ilalim ako ng malaking puno malapit sa field at nakatanaw lang sa mga estudyanteng nasa field para magpractice.

"Sigurado ka bang si Miss Aquila ang nakita mong naglagay nito sa locker mo? Baka naman napadaan lang siya that time?" Tanong ni Heather sa tabi ko habang hawak ang sobre na nakuha ko sa locker ko nitong nakaraan.

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos kong makuha ang sobre na 'yan na naglalaman ng isang asul na card at maikling mensahe. Palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung si Miss Aquila ba talaga ang palihim na naglagay niyan.

Hindi lang 'yon and problema ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang gustong iparating ng mga salitang kasamang naiwan nito.

"Hindi pero siya lang naman ang huling taong nakita ko ng mga oras na 'yon. She's also looking at a certain direction bago nagmamadaling umalis." Sagot ko rito na dahan-dahang nagpatango sa kaniya.

"Wala bang CCTV ang locker area niyo? Baka doon makita mo kung siya talaga ang naglagay?" Muling tanong nito sa akin kaya mula sa field namin ay nabaling na ang tingin ko sa kaniya.

"Meron. I tried asking the security personnel if I can see the footage pero ayon sa kanila, hindi raw pwede dahil hindi naman malicious content ang laman ng sobre." Dismayadong tugon ko.

Narinig ko ang buntong-hininga niya bago ibinalik sa akin ang envelope. Muli kong tinitigan ang parte kung saan nakatatak mismo ang pangalan ko.

"Gusto mo bang pasukin natin ang security area?" Suhestiyon ni Heather kaya gulat na napalingon ako sa kaniya.

Nasisiraan na ba ng bait ang isang 'to?

"Nababaliw ka na ba? Kapag nahuli tayo baka ma-expel tayo. Hindi lang expulsion ang pwede natin sapitin, baka itakwil ka na nang tuluyan ng Daddy mo." Pagpapaalala ko sa kaniya sa pwedeng mangyari sa amin.

"Pero wala naman ibang paraan para malaman natin kung sino ang naglagay niyan." Seryosong tugon nito na akala mo madali lang ang gusto niyang mangyari.

"Well, there's one." Sambit ko rito na nakakuha ng atensyon niya.

"What is it?" Tanong niya sa akin.

"I'll confront her." Puno ng kumpiyansang saad ko.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Heather na nagpangiwi sa akin dahil malapit lang naman ang bibig niya sa tenga ko.

"Gaga ka! Sa tingin mo ba aamin 'yon kung siya nga ang naglagay niyan? Minsan, tanga ka rin pala." Natatawang asar nito kaya inirapan ko siya.

I know I shouldn't ask her because she's known for being a wise fox disguised as a drop dead gorgeous woman but I can tell if she's lying or not. I can read her.

All I have to do is to corner her with questions and observe her body language. Her lips can release lots of lies but her body cannot do that all the time.

Imbes na sumagot ay inayos ko na lang ang mga gamit ko at ipinasok sa bag ang sobre. Saktong pagtayo ko ay siya ring pagsukbit ko ng bag sa aking balikat.

"Saan ka pupunta, Uno?" Takang tanong ni Heather na nginitian ko lang bago umalis sa field.

"Kay Miss Aquila. I told you I'll confront her." Sagot ko at naglakad na paalis nang hindi ito nililingon.

Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko na nag vibrate ang phone ko kaya mula sa bulsa ng pants ko ay kinuha ko ito. Heather texted me.

From: Heather G.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon