Pulling the Wrong Card
"May practice kami ni Viola hanggang 7PM kaya baka gabihin na kami. Check mo na lang yung refrigerator natin kung anong pwede mong lutuin pagkauwi mo." Bilin ni Vesta habang inaayos niya ang laman ng bitbit niyang duffel bag.
Tumango lang ako rito nang ibaling niya ang tingin sa akin bago nauna na sa building ng department nila. Halos mag-iisang linggo na rin ako rito sa Stallion at kung itatanong niyo kung ano ang mga ganap sa halos ilang araw kong pag-aaral dito ay wala.
Hindi na rin lumapit pa sa akin si Miss Apologize simula nang insultuhin ko siya na sobrang ipinagpapasalamat ko dahil naging tahimik ang buhay ko ng ilang araw.
Naging tambayan ko rin ang library at field kung saan tahimik akong nakakapagbasa nang walang gumagambala sa akin. Tanging tunog lang ng hangin mula sa field o hindi kaya'y ingay na nagmumula sa librong binabasa ko sa tuwing ililipat ko ang pahina nito.
"Uno! Finally, you're here!" Masiglang sigaw ni Heather nang makita ako.
Nasa tapat pa siya ng pintuan ng classroom namin pero dinaig pa si flash sa pagtakbo papalapit sa akin at nakangiting dinamba ako ng yakap na muntik pa magpatumba sa aming dalawa. Napailing na lang ako bago marahang tinapik ang balikat nito.
She's really the clingy type of friend.
"Ang tagal mo. Tara na!" Yaya nito sabay hila sa akin nang hindi hinihintay ang kahit anong sagot ko.
Sa mga nakaraang araw, mas naging malapit kami ni Heather dahil na rin sa pagiging maligalig niya. Bukod sa magkatabi kami, napakaingay niya rin kaya nakagaanan ko na rin ng loob. She's really friendly and approachable kaya kahit sino hindi mahihirapan maging kaibigan siya.
"Kumalma ka nga. Hindi ka na naman nakapagbreakfast 'no?" Natatawang tanong ko sa kaniya dahil ang likot na naman nito sa kinauupuan niya.
"Hindi nga eh. Kain tayo mamaya agad after ng first class natin. Nagugutom na talaga ako." Reklamo nito habang hinihimas ang tiyan.
"Ang tamad mo kasing magluto sa umaga o kaya gumising nang maaga para makakain sa labas." Sermon ko sa kaniya na nagpanguso lang rito.
Naiiling na ibinaling ko na lang ang tingin sa harapan dahil pumasok na rin ang professor namin. Nagsimula itong talakayin ang lesson namin sa araw na 'to bago habang ang lahat ay tahimik na nakikinig.
Deception and deceiving people.
"Presenting ourselves deceptively is a great technique to establish a foolproof facade. You should understand that deceivers will never give you blatant lies. They will mislead you by giving most of the truth while downplaying their weaknesses." Pormal na paliwanag ni Professor Cohen sa lahat.
Nagpatuloy ito sa diskusyon habang ang ibang kaklase ko ay aktibong nagpaparticipate sa klase. Nakikinig lang kami ni Heather sa kanila dahil may sarili na namang mundo itong katabi ko.
"Masarap kasing matulog, Uno." Biglang bulong ni Heather habang nagsusulat kaming dalawa.
Akala ko tapos na kami sa usapang breakfast pero heto na naman siya at nagsisimula na naman sa mga dahilan niya.
"Pero hindi masarap sa feeling kapag gutom." Balik ko sa kaniya at humagikgik nang sumimangot ito.
"De Mevius and Grant, mind sharing to us kung anong pinagbubulungan niyong dalawa?" Tawag pansin sa amin ng propesor na matamang nakatingin sa amin ngayon. Halos lahat din ng kaklase namin ay nasa aming dalawa na ang atensyon.
Palihim kong siniko si Heather para siya na ang magpalusot pero ang siste ay siniko lang din ako pabalik. Nagbaling pa ako saglit sa kaniya ng tingin pero nginuso lang nito ang propesor sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: