CHAPTER THIRTY-TWO

5.3K 273 19
                                    

[A/N]: A little bit of help for you to understand what's really going on in the previous chapter. (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

Trigger warning: This chapter contains violence that may not be suitable for everyone. There were also mentions of death and self-harm. Please read at your own risk.

First Meeting

Three years ago...

"Where have you been? Who told—"

Naputol ang sasabihin ni Mommy nang basagin ko sa harapan nito ang bote ng alak na bitbit ko pag-uwi mula sa bar na naging madalas kong takbuhan sa tuwing gusto kong panandaliang makalimot sa sakit na idinulot nang pagkawala ni Wren.

"What the hell happened to your face, honey?! Who did this to you?!"  Eksaheradang tanong nito na akala mo'y may pakialam talaga sa sugatang mukha ko ngayon.

"Damn it." Inis na bulong ko bago tinabig ang kamay ng ina na hindi ko na rin maaninag nang maayos dahil sa kalasingan.

"Vren!" Isang nakakatakot na sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay at umagaw sa atensyon ng lahat.

Sigaw ng isang ama na nakalimot na may isa pa siyang anak simula nang mawala ang panganay na anak.

"Yes... Dad?" Sagot ko rito habang diin-diin ang huling salita na halos hindi ko na mabanggit.

Hindi ko alam kung ang pagkawala ba ni Wren ang dahilan kung bakit o ang sakit at lungkot na bumabalot pa rin hanggang ngayon sa buong bahay ang dahilan.

"Isang taon na nang mawala si Warren at isang taon ka na ring ganiyan! Kailan mo ba balak ayusin ang sarili at buhay mo?! Paano ka haharap sa mga—"

"I don't want your bullshit position. I don't need it. In fact, I don't need any of you! So, if you may excuse this useless daughter of yours, I'm having a goddamn headache." Walang ganang putol ko sa sariling ama na lalong nagpangitngit sa kaniya.

Everybody tried living again, and here I am with this useless and dull life of mine, still struggling to continue.

"Kinakausap pa kita!" Sigaw muli ni Dad bago hinapit nang sobrang higpit ang braso ko dahilan para mapainda ako nang konti sa sakit.

"What do you want, Dad?" Buong tapang na tanong ko.

"Why are you doing this, child? Why are you being like this?!"

Ramdam ko ang pagpipigil ng galit ni Dad habang hawak ako dahil ang pilit niyang pagtatago rito ay inilalabas nang mahigpit niyang hawak sa magkabilaang braso ko. 

Hindi ko matagalan ang mga titig niya dahil sa tuwing nakikita ko ang mga mata ng sarili kong ama, bumabalik lang ang sakit na dinulot ng taong may parehong pares din na katulad ng kaniya.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon