CHAPTER TWENTY-SEVEN

5.1K 275 8
                                    

[A/N]: Good evening! Sinipag ako so here's an update for you. I hope you're having a good break so far or kung hindi pa ninyo break, I hope you'll have a good one. I know you're waiting so here it is. Have fun reading, badings.

****

Clash of the Past and Present

Isang linggo matapos ang mga naging pangyayari sa Batangas kung saan ako dinala ni Miss Aquila kasama si Andy ay bumalik na ulit sa dati ang takbo ng normal kong buhay. Or so I thought.

Sa tulong ni Miss Aquila, napakiusapan ko ang mga magulang ko na patigilin na sila Frank at Alas kakasunod sa akin dahil naiirita talaga ako sa presensiya ng dalawang 'yon.

Naging abala rin ako sa pag-aayos ng booth ng department namin at sa mga trainings ko para sa darating na chess match ngayong araw. Magsisimula na kasi ang school fair kaya isang linggong walang klase.

"De Mevius, totoo ba? Spotted kayo sa Batangas ni Miss Aquila?" Napahinto ako sa dapat na pagsubo ng pancake na kinakain ko nang may biglang umupo sa tabi ko at nagtanong.

Nang lumingon ako sa gawi niya ay bumungad sa akin ang hindi pamilyar na mukha. Tanging ang lace lang ng ID na nakasabit sa leeg nito ang naging basehan ko na isa siya sa mga estudyante rito. Wala sila siguro silang uniform sa departamento nila.

"Uh, who are you?" Flat na tanong ko pabalik nang hindi sinasagot ang naunang binitawan niya.

Nagsimulang dumating ang ibang mga kasama nito para hilahin siya paalis pero sadyang matigas talaga ata ang ulo ng taong 'to. Istorbo.

"Uhm, De Mevius, pasensya ka na sa isang 'to ha? Uy, tara na!" Saad ng isa sa kanila kaya tumango ako rito at ngumiti nang bahagya. Pinagtitinginan na rin kami.

Ang kumakalat na pictures namin ni Miss Aquila sa Batangas ang tinutukoy nila. Hindi ko rin alam kung saan ba galing ang mga litratong 'yon. Kusa na lang lumitaw sa isang anonymous page na mabilis naging trending dahil nakamention ang official school page ng Stallion.

"Ano ba? Wait lang." Rinig kong tugon ng babaeng lumapit na hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin.

Hindi ko na siya tinapunan ulit ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain ko.

"De Mevius, totoo ba— Kate, let me go! I said wait, bitch!" Iritableng sigaw niya sa kasamang humihila pa rin sa kaniya.

Masyadong masakit sa tenga ang boses nito kaya nagdesisyon akong tumayo na. Mukhang wala rin naman ata silang balak umalis sa lamesa kung nasaan ako kaya ako na lang ang lilipat.

"De Mevius, wait!"

Hindi pa ako nakakalayo ay napatigil ako nang may humila sa plain shirt na suot ko. Kasunod nito ang tunog na parang may napunit kaya sapilitang napaharap ako sa taong humila sa akin.

Pagkatingin ko sa damit na suot ay punit ito sa may bandang leeg hanggang dibdib. Damn, babae ba talaga ang isang 'to o bouncer sa isang club?

"Damn it." Pagmumura ko dahil na-expose lang naman ang damit panloob ko.

"I-I'm sor—"

Napatigil siya nang may tumulak sa kaniya palayo pagkatapos nitong tangkain muli na hawakan ako. Kasunod noon ang isang jacket na nagtakip sa expose kong harap ngayon.

"What do you think you're doing, you dumbass bitch?" Si Heather na hawak na ngayon sa damit ang estudyanteng nakapunit ng damit ko.

Kita ko ang takot sa mga mata ng babaeng hawak niya kaya aawatin ko na sana pero dalawang pares ng kamay ang pumigil sa akin.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon