Blue Card: Unknown Connection
Tirik na araw ang unang sumalubong sa akin nang makababa ako sa sasakyan. Alas diyes pa lang ng umaga pero sobrang init na. Hindi ko rin naman maiwasan na hindi rito sa open parking space mag park dahil mas malapit sa building ko pati na rin sa gate ng Stallion.
Hindi pa ako nakakapasok pero pawis na agad ako kaya hindi na rin ako magtataka kapag napunta ako sa impyerno at maging immune sa init doon. May early free trial ba naman tayo sa ibabaw ng lupa.
Inaayos ko na ang gamit ko nang biglang tumunog ang phone ko, tanda na may tumatawag ngayon. When I picked it up, I saw Dad's name as the caller.
"Dad." Flat na bungad ko rito nang sagutin ko ang tawag niya.
[Vren, I received a call from the Dean. I've heard they offered you a place for the chess players of Stallion? Is this true?]
"Yes, Dad." Tipid na sagot ko sa kaniya habang kinukuha na ang bag ko sa backseat ng sasakyan.
[Hindi mo raw tinanggap? Why is that?]
"Yeah. I wanna focus more on my studies rather than playing chess right now. I'm really not in the mood." Tugon ko sa kaniya.
Pagkasukbit ko ng bag sa balikat ko, sinigurado ko munang nakalock ang sasakyan ko bago nagsimulang maglakad papasok.
[Don't you think it's time for you to bring some honor to the family by playing an official match, Vren? Walang saysay ang galing mo kung hindi ka naman nananalo sa isang official match.]
And here comes the pressure of having our surname. You should always bring honor as your contribution to the family dahil kung hindi, wala kang kwenta at silbi sa paningin ng iba.
Palagi ka nilang hahanapan ng mga nagawa mo para sa pamilya na para kang isang politiko at sila ang botante na huhusga sayo base sa mga nagawa mong 'yon.
Nakakasakal.
"I'll think about it, Dad." Walang ganang sagot ko rito.
[If you don't like playing chess anymore, choose a sport that you can play and bring us some good news, Vren.]
Hindi ko na sinagot ang sinabi nito at pinatay agad ang tawag. Saglit ko pang tinitigan ang phone ko bago ito naisipang ilagay sa loob ng bulsa ko.
"I bet it's Uncle Warren." Napalingon ako sa likuran ko nang may biglang nagsalita. It's Vesta kasunod ang isa pa naming pinsan na si Viola.
"Base sa mukha niya ngayon, si Uncle Warren nga. Pinipilit ka na ba nilang maglaro ng chess para sa Stallion?" Tanong nito nang magkapantay na kaming tatlo.
Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya at kumapit sa shoulder bag na nakasabit sa balikat ko.
"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin yung offer?" Curious na tanong ni Vesta habang diretso pa rin ang tingin sa dinadaanan namin.
Huminto ako sa tapat ng building namin at humarap sa kanilang dalawa. Ganon din ang ginawa nila kaya alam kong naghihintay din sila ng sagot mula sa akin.
"I wanna focus on my studies. That's it." Pangungumbinsi ko sa dalawa.
Nagkatinginan sila bago ibinalik ang tingin sa akin. Halatang hindi rin sila kumbinsido sa naging sagot ko kaya alam kong kailangan ko pang magbigay ng ibang dahilan.
"Fine, that's not just the reason. I just can't because it reminds me of him all the time." Saad ko na naging dahilan ng pagbabago ng ekspresyon nila.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: