[A/N]: This will be my last update for this year. I'll start updating this again next year, probably by January 4 or 9. The story's now on its 90k reads! As a gift for New Year and for another achievement, let me give you some hints. I hope you'll find those as you read this part.
Who is the Machiavellian?
"Wait, are you serious? We're hired? That fast?" Napatayo ako nang marinig ang sinabi ni Heather mula sa kabilang linya.
Pagkatapos niya raw kasing ipasa ang mga papel namin sa Lopez Psychiatric Facility ay tinanggap agad kami sa internship program nila. Nothing makes sense.
[Yes, I received an e-mail from them. There's a letter too. Ikaw ba wala?]
"Hindi ko alam? Hindi ko pa naman tinitignan." Sagot ko at dumiretso sa banyo.
Nilapag ko ang phone sa lamesa pagkatapos i-on ang loudspeaker. I decided to do my morning routines while talking to Heather.
[Girl, go check it. I have to go. I need to prepare for school. See you later, Uno.]
"Huh- Wait!"
Napakamot na lang ako sa ulo nang patayin na talaga nito ang tawag. Damn you, Grant.
Paglabas ko ng kwarto, wala na ang dalawang pinsan ko. Tanging ako na lang at ang iniwan nilang pagkain ang natitira sa unit.
"Ang aga naman ata nilang umalis." Bulong ko bago dumiretso sa lamesa.
Nagdesisyon akong kumain na muna dahil sayang naman ang inihanda nila kung hindi ko gagalawin ito. Mahal pa naman ang mga bilihin ngayon.
Ilang minuto habang kumakain ay nakarinig na ako ng tatlong katok mula sa pintuan. Nandiyan na siguro ang personal driver ko.
"Almost done! Five minutes!" Sigaw ko mula sa loob para marinig nito.
Nagmamadali kong nginuya ang tinapay na kinakain bago kinuha ang bag at hoodie. Pagkababa ko sa lobby ay nakaabang na sila Alas at Frank para sumalubong sa akin.
Hindi na nila ako sinusundan pero hinahatid pa rin ako ng dalawa hanggang parking space ng Aragon Condominium.
Pasakay na ako ng sasakyan nang makasalubong ko si Miss Aquila kasama si Andy. Mukhang papunta rin ang mga ito sa Stallion.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita at natitigan nang matagal matapos ang nangyari sa auditorium. Nang magtama ang mata namin ay agad kong naalala ang mga sinabi ni Lopez sa akin sa rooftop kahapon.
"She'll surely tell you the lies."
Kasabay no'n ang pagpasok sa isip ko ng nag-iisang klarong imahe ng araw na 'yon. She's with him. She's with Cedric.
Bumaba ang tingin ko kay Andy na nakatingin lang din sa gawi ko ngayon. This kid's wishes in life, isa na lang ang kulang. A father, something I knew I wouldn't be able to be.
Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin pagkatapos maalala ang mga bagay na 'yon. The more I'll stay, the more it'll be harder for me to move my feet and take one step away.
"Let's go." Mabilis kong utos sa driver kong nakahawak pa rin sa pinto ng sasakyan ko ngayon.
Tumango ito bago sumenyas sa akin na pumasok na agad kong ginawa matapos makitang humakbang si Miss Aquila palapit sa akin.
"Miss Uno, tumawag nga po pala si Señorito Warren. Pinapasabi na dumalaw ka raw sa kanila bago mag umpisa ang OJT mo." Rinig kong sabi ng driver na abala sa pagmamaneho ngayon.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: