[A/N]: Grabe yung patience and consideration niyo towards my katamaran and busy days. It gives me more reason to admire and love you all. I appreciate your unending support for TM kaya pinalitan ko ng cover! Thank you so much, everyone. 😓
Unedited version.
Part II: Attempt
"Can you pick me up in an hour? I'm at my parent's house right now. Okay, I'll wait for you." Binaba ko rin agad ang tawag ni Viola.
Sakto namang pagpindot ko ng 'end' button ay may kumatok sa kwarto ko. Nagmamadali kong ibinalik sa box ang mga papel at evidence bags na inilabas ko kanina lang.
"Miss Uno?" tawag ng kung sino mula sa labas ng kwarto ko. "It's Alas."
Nang makitang nakatago na nang mabuti ang lahat ay dumiretso ako sa pinto para pagbuksan si Alas.
"What is it?" tanong ko rito.
"Your mother's here. She wants to know if you're eating with them," sambit nito.
"Them? May bisita si Mommy?" muling tanong ko bago tuluyang binuksan ang pintuan.
"Yes, Miss Uno. Should I inform her that you're busy?" Yumuko ito sa harap ko kasabay ng pagtatanong.
Agad akong umiling bilang tugon. "Ako na ang magsasabi. I'll just freshen up."
Tumango lamang ito bago tuluyang umalis sa harap ko. Nagdesisyon akong maligo muna. Viola will fetch me in an hour kaya may sapat akong oras para ayusin ang sarili.
Matapos mag-ayos ay itinago ko na sa ilalim ng kama ang box na dala ko pauwi rito. I can't bring this with me today since Mom's downstairs.
"Miss Uno, nasa baba po si Miss Viola," rinig kong sambit ng isa sa mga tauhan ni Alas matapos itong kumatok.
Sinilip ko pa ng isang beses ang oras bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Tell Alas to make sure that no one's allowed to go inside my room while I'm not around," bilin ko rito bago siya hinayaang umalis.
Mabilis naman hinanap ng mata ko si Viola. She was supposed to stay at the living room while waiting for me but she's not here. Sinubukan kong sumilip sa kusina pero wala rin ito doon.
"Manang, have you seen Viola?" tanong ko sa kasambahay na nadaanan kong naglilinis.
Mabilis ako nitong nilingon at ngumiti bago sumagot, "Nasa garden po sila kasama ang Mama niyo."
Mabilis akong dumiretso doon bitbit ang leather jacket ko sa kaliwang kamay. Maybe Mom had seen Viola that's why she asked for the latter's presence.
"Mom, where's..." napatigil ako saglit nang makita kung sino ang kasama ng Mommy ko. "Viola," halos pabulong na dugtong ko.
Anong ginagawa ng tatlong magkapatid na 'to rito?
"Hey, you ready?" tanong ni Viola na tumayo na.
Even my Mom quickly smiled at me the moment she saw me while I remained staring at the three Arellanos with my poker face.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomansaUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: