CHAPTER NINE

5K 311 40
                                    

Biggest Problem?

Itim na hoodie, pants, at mask ang nagigijg pantago ko ngayon sa mga gwardiyang naglilibot sa bawat building ng Stallion. Ilang oras ko na rin pinipigilan ang pagbahing para lang hindi ako mahuli ngayon habang hinihintay si Heather sa spot na itinuro niya.

Ang puno sa field na madalas naming tambayan. 

"Asan na ba kasi ang isang 'yon? Ang usapan namin before 2AM dapat nandito na." Bulong ko sa sarili habang hindi mapakaling lumilinga sa kung saan.

Grabe ang kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa kaba at takot na naghahalo sa sistema ko. Malaking violation ang kakaharapin naming dalawa ni Heather oras na mahuli kami at expulsion ang tiyak na magiging parusa sa amin.

"Kanina ka pa?" Halos mapalundag ako sa kintatayuan ko nang may biglang may magsalita sa gilid ko.

Si Heather pala na halos kapareho ko rin ng outfit ngayon. Suot na sapatos lang ang pinagkaiba namin.

"Ang tagal mo naman. Baka abutan tayo nang umaga dito." Reklamo ko agad sa kaniya.

Nginitian lang ako ng gaga bago inangkla ang kamay niya sa braso ko. Ako naman ay napailing na lang dahil kahit kailan talaga ang isang 'to ay madalas na walang pake.

"Tara na. Baka may makakita pa sa atin." Tanging sambit ko lang at nagmamadali siyang hinila paalis.

Nasa ikatlong palapag ng main building ang security room ng Stallion. Hindi kami makakadaan sa entrance mismo ng main dahil may guard na nakabantay doon kaya sa likod ang daan namin.

Si Heather ang nagsisilbing guide ko ngayon dahil mas alam niya ang daan. She's an old student here after all kaya hindi na nakapagtataka.

"Sumunod ka lang sa akin." Sambit ni Heather bago ito nagsimulang umakyat.

Tahimik kong sinunod ang sinabi nito at dahan-dahang umakyat din kasunod niya.

Nang makarating sa taas, nagtataka ako dahil nakatayo lang siya nung una dahil nakahinto lang siya.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Tanong ko kay Heather na nakatingin lang sa pinto ngayon.

"Yung paper clip na pinadala ko sayo, dala mo ba?" Balik na tanong nito na nagpatango sa akin.

Inilahad nito ang kamay niya sa harap ko kaya mula sa bulsa ng hoodie na suot ko ay kinuha ko iyon at ibinigay sa kaniya.

May kung ano siyang ginawa sa clip at saka iyon isinuksok sa doorknob. Doon ko lang napagtanto na para sa nakalock na pinto niya pala gagamitin ang bagay na 'yon.

"Dati ka bang akyat-bahay?" Natatawang bulong ko sa kaniya pero siniko lang ako nito.

Pagkarating sa third floor binuklat niya ang mapa ng school na bitbit niya. Guide 'to madalas para sa mga bagong students na makikita sa bulletin board sa entrance ng Stallion. Namimigay din ng copies ang mga guards doon.

"Nasa kabilang dulo ang security room." Sambit ko habang nakaturo sa mapa na hawak niya.

Nilabas ko na rin ang maliit na flashlight na dala ko dahil madilim na ang dadaanan namin ngayon. Mabilis ang naging mga paghakbang namin para marating ang dulong bahagi ng pasilyo. Isang liko lang doon at matatagpuan na ang security room na hinahanap namin ni Heather.

"Turn it off." Bulong ni Heather bago pa man namin marating ang dulo. Agad ko iyong sinunod at sumunod lang sa kaniya.

Liliko na sana kami pareho pero agad ding napatigil dahil sa flashlight na nagmumula sa nag-iikot na guard mismo.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon