[A/N]: Balak ko sanang isabay na lang yung Chapter 30 sa 29 pero huwag na lang pala HAHAHAHAHA. Patapos na rin naman yung draft na kasunod nito so here it is, gays. Have fun reading! 💚
Enemy?
Tahimik kong pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa rooftop ng building namin habang hinahayaan ang hangin na dumaan sa bawat hibla ng buhok kong sumasabay din sa ihip nito.
Bahagyang itinukod ko ang dalawang kamay sa bandang likod bago nag-angat ng tingin sa langit at sa pagpikit ng mata ko ay siya ring pagdalaw ng hindi permanenteng kapayapaan sa paligid.
"This... This is happiness." Nakangiting bulong ko sa hangin.
"No one told me that you look so good whenever you smile, De Mevius. I think you should smile often."
Mabilis ang naging pagmulat ko ng mata nang marinig ang isang boses mula sa kung saan at sa paglingon ko sa gilid ay bumungad sa akin ang bagong propesora ng Stallion na nakasandal ngayon sa inuupuan ko.
As soon as I saw Amaia Lopez, the current smile that was plastered on my face quickly faded.
"What are you doing here, Lopez? You shouldn't be here." Agarang tanong ko at lumingon pa sa pintuan na dinaanan ko kanina.
She's facing the opposite direction of my position right now, arms were both crossed.
"As far as I can remember, students are not allowed to be here as well." Balik niya nang may ngisi sa labi.
"Correction, everyone's not allowed to be here." Pambabara ko na mukha namang wala lang sa kaniya.
"Unless, you're an Arellano."
Rinig ko ang mahinang pagtawa niya pagkatapos sabihin iyon kaya hindi na ako umimik pa.
"It was a good one." Muling basag niya sa katahimikan bago humarap sa kaparehong direksyon kung saan ako nakatingin ngayon.
Nanatiling tahimik lang ako at naghihintay ng kasunod niyang sasabihin. Mukha namang may karugtong pa 'yon.
"Your suitor's dramatic letting go situation." Dugtong niya tukoy ang ginawa ni Jadih kanina sa auditorium.
"Papunta na ba rito si Miss Aquila?" Tanong ko na naging dahilan ng pagkalito sa mukha niya.
I swear if she'll do what she had done at the women's comfort room earlier, I'll kill her.
"Do you miss your stupid girl? God, I don't even know kung anong nakita mo sa babaeng 'yon." There was a quick annoying tone and disgusted expression on her face when she said that.
Clearly, they really hate each other.
"She's not stupid." Depensa ko na nagpaismid sa kaniya.
"Right. You're the stupid one for falling for her trap." Dire-diretso niyang sambit.
"And you're more stupid for using me just to annoy the hell out of her." Agarang tugon ko na nagpangisi muli sa kaniya.
"At least, I succeeded." May pagmamalaki sa tono na sagot niya.
Napailing na lang ako at bumaba na sa inuupuan pero bago pa man ako tuluyang makababa ay tinulak na ako nito. Nanlaki ang mata ko at agad na kumapit sa kamay ni Miss Lopez para hindi tuluyang malaglag.
"What the fuck?! Are you nuts?! Are you trying to kill me?!" Sigaw ko sa kaniya dala ng magkahalong takot at gulat.
Imbes na matakot para sa akin ay nakangiti pa ito na akala mo normal ang muntik mangyari kanina.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: