[A/N]: Saw someone requested a chapter with more scene of Vren and Amaia. Let me grant that!
Nga pala, ikakagalit ba ninyo kung sasabihin kong 12 chapters (Epilogue's not included) na lang bago matapos 'tong TM? Hehe.
(Unedited)
Describe Me
"You told her what?!" Gulat na tanong ni Heather, dahilan para tignan kami ng ilang mga taong nakakasalubong dito sa grocery store.
Mukhang nakalimutan ata niya panandalian na hindi lang kami ang tao rito ngayon at nasa pampublikong lugar kaming dalawa.
"Can you lower down your voice?" tugon ko.
Hindi makapaniwalang tumalikod ito sa akin matapos niyang malaman ang napag-usapan namin ni Insp. Morales. Mas bumilis din ang pagtulak niya sa cart na naglalaman ng mga bibilhin namin.
"What if she ruin our plan, Uno?!" Muling sigaw nito, halatang hindi makatiis kaya mas nakaagaw na talaga kami ng atensyon.
"Ma'am, may problema ba?" Tanong ng gwardiya matapos lumapit nito sa amin.
Sabay namin siyang nilingon ni Heather at ako na mismo ang sumagot dahil itong kasama ko ay wala atang balak magsalita.
"No, we're fine. She's my friend," kalmadong tugon ko.
Tinignan niya lang kami saglit ni Heather bago tumango at bumalik sa pwesto niya kanina.
"We're in a public place," pagpapaalala ko. "Lower it down or I'll zip it on my own," banta ko kaya kunot-noong nag-iwas ito ng tingin.
"She won't ruin our plan," paninigurado ko. "We had a deal and she knew the consequences if she'll betray me," I added.
"You shouldn't trust that police officer, Vren. You knew what they did four years ago," sagot niya, ngayo'y mahinahon na.
"About that," humarap ako sa kaniya. "I found the names. Our men's handling them now."
Nagugulumihanang tinitigan ako nito pero nginitian ko lang siya. "Stop worrying and just trust me on this one, Grant."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito bago naramdaman ang tapik niya sa balikat ko. Hindi rin nagtagal ay umalis na siya at ako na lang ang naiwan mag-isa.
Ilang minuto pa akong naglibot sa grocery store pero sa huli'y anim na canned beers lang din naman ang naidagdag ko sa mga pinamili ko.
Nagdesisyon akong gamitin ang bakanteng oras ko para mamili saglit ng mga pagkaing ilalagay ko sa fridge ni Viola at Vesta. Lately, napansin kong puro delivery ang source ng pagkain nila tuwing uuwi.
Pagkapasok ko sa unit nila ay naabutan ko ang dalawang paalis pa lang para pumasok.
"Oh, you're here? Wala kang pasok?" Gulat na tanong ni Viola nang makitang nakaplain white shirt at pajama pa rin ako.
"For us? Since when did you start becoming thoughtful, Uno?" Si Vesta na kakalabas lang sa kwarto niya bitbit ang bag nito.
"Ala una pa ang klase ko," tugon ko kay Viola bago hinarap si Vesta. "And, I'm always thoughtful, Dos."
Ngumiti lang silang dalawa sa akin bago ako tinapik sa balikat at umalis. Ipinasok ko muna sa fridge ang mga pinamili ko bago nagdesisyon na ipagluto sila ng paborito naming Belgian dish, ang Moules-Frites.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: