CHAPTER THREE

6.6K 387 70
                                    

Her Foolproof Facade?

Malalakas na katok mula sa labas ng kwarto ko ang gumising at nagpamulat sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog ko.

"Uno! Gising na! We're getting late!" Sigaw ni Viola mula sa pinto habang malakas pa rin na binubulabog ang pagtulog ko.

Labag sa loob na bumangon ako upang tignan ang oras at nanlaki ang mata nang makitang thirty minutes na lang at malelate na nga ako.

Oh, God. This is my first day and I cannot be late!

"Anong nangyari sayo? Bakit late ka na gumising?" Bungad sa akin ni Vesta nang makalabas ako sa kwarto na bihis na.

May tumutulo pang tubig mula sa dulo ng hibla ng buhok ko, tanda na kakalabas ko lang sa banyo. Hindi na rin ako nakapagblower pa ng buhok dahil kailangan na talaga naming umalis.

"I'll borrow your baby bike, Viola." Paalam ko at nauna nang maglakad palabas ng unit nang hindi hinihintay ang ano man na sagot nito.

Hindi naman ako magagahol sa oras ngayon. Hindi lang talaga nag alarm yung alarm clock ko na muntik ko pa ikapahamak ngayong araw. Mabuti na lang talaga at kasama ko sa bahay ang isang Viola na mahilig mang gising. Si Vesta kasi walang pake 'yon. Sa aming tatlo si Viola talaga ang parang nanay.

"Nice bike." Napalingon ako sa likuran nang may magsalita mula rito.

It was the Aragon brothers with Noah Arceo na nakilala ko sa archery range. Hindi na nakakagulat na nandito silang tatlo dahil pamilya nila Gabriel ang may-ari ng condominium na 'to at paniguradong dito rin sila tumutuloy tulad ng dalawang pinsan ko.

"Gusto mo bang sumabay na lang sa amin? Kaya mo ba imaneho 'yan? Medyo mabigat ang big bikes." Pag-aalok ni Noah habang nakatingin sa Ducati na nasa gilid ko. Narinig ko ang pabulong na kantyaw ng dalawang kasama namin pero hindi ko na ito pinansin pa.

"I can handle myself. Thank you." Agarang pagtanggi ko at sinuot na ang helmet. Kita ko pa ang pagbagsak ng balikat ni Noah mula sa visor ng helmet na suot ko pero hindi ko na ito inalintana.

Pagsakay ko ay tumango pa ako sa tatlo na nakatingin lang sa akin bago pinasabid paalis ng parking ang motor ko. Ito ang pinili kong gamitin dahil mas madali akong makakasingit sa mga sasakyan kung sakali.

Napahinto ako sa tabi ng isang 4-seaters na sasakyan dahil sa traffic light. May sapat na oras naman ako para hindi malate sa unang klase ko. Nalipat sa katabi kong sasakyan ang tingin ko. Kita ko ang sarili ko sa tinted na salamin nito.

Napansin kong medyo magulo ang suot kong leather jacket dahil sa kakamadali sa pagpatong ng shoulder bag ko kanina kaya nagdesisyon akong ayusin ito. Abala ako sa pag-ayos ng jacket ko nang biglang bumaba ang tinted rear door glass ng sasakyan na nagpatigil sa akin sa ginagawa ko.

Sa sobrang kamalasan ko, si Miss Apologize lang naman ang nasa loob ng itim na sasakyan at kasama nito ang dalawa niya pang alipores.

Naramdaman niya atang nakatingin lang ako sa kaniya kaya tinaasan ako nito ng kilay na parang may krimen akong ginawa ngayon.

"Wala ka bang salamin at ginagamit mo pa ang sasakyan ko para lang ayusin ang jacket mo?" Pagsusungit nito na nagpaismid sa akin.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon