Sparks in Question
Mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa glass window ng kwarto ang gumising sa mahimbing kong tulog. Antok pa man ay agad kong kinapa ang side table para tignan ang oras dahil ngayon ang dating ng sasakyan ko.
Alas otso na at tahimik na ang unit paglabas ko ng kwarto. Paniguradong nasa Stallion na sila Vesta dahil may practice sila kahit weekend.
Pagkarating sa kusina, bago ko pa man mabuksan ang refrigerator napansin ko ang nakadikit na note sa pinto nito mula sa pinsan ko.
Wala na tayong stocks kaya sa labas ka na muna magbreakfast. After mo, ikaw na rin mag grocery or tawagan mo na lang ang assistant mo para utusan sila.
- Tres :)
Napabuntong-hininga na lang ako nang mabasa ang iniwan nila Viola na bilin. Minsan talaga mas magandang maging athlete na lang din ako para pare-parehas kaming busy.
Sumandal ako sa sink at nag-isip muna nang unang gagawin. Tahimik akong nakatunganga lang at inisip ang mga nangyari nitong mga nagdaang araw.
Pagkatapos akong ipahuli na parang may krimen na ginawa ni Miss Apologize nung nakaraan, kumalat agad sa buong Stallion ang nangyari. Maging mga pinsan ko nag-alala kasi kasunod pala ng ganoong senaryo sa kanila ay pagpapaalis sa estudyante.
Well, wala naman siyang makitang violation sa akin kaya ligtas ako. She's really eager na mahawakan ako sa leeg para gawin din na puppet niya. Bagay na hinding-hindi ko papayagang mangyari.
Katulad ng mga unang ganap, hindi niya ulit ako ginagambala pagkatapos ko siyang layasan sa opisina niya pero hindi maalis sa isip ko ang tingin niya bago pa ako tuluyang mawala sa paningin niya.
It's obvious that she's planning something. Ang stressful din pala ng mga professors na laging determinadong bumawi kapag natapakan ego and pride nila.
Natigil lang sa paglipad ang isip ko nang may biglang mag doorbell. Napaisip pa ako saglit kung sino ito dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw.
"Good morning, Miss Uno." Ani ni Mr. Alas na pormal na nakatayo sa harap ng pinto pagkabukas ko.
"Why are you here? May problema ba sa mansyon?" Agad na tanong ko nang siya ang mabungaran ko pagkabukas ng pinto.
"Wala naman, Miss Uno. Nandito lang ako para i-assist ang mga taong nagdala ng sasakyan mo rito. Nasa baba na sila at naghihintay." Magalang na sagot nito kaya tumango ako.
Ngayon nga pala ang dating ng sasakyan ko. Lutang na naman ako. Bagong gising problems.
"Hintayin niyo na lang ako sa lobby." Utos ko bago muling pumasok sa loob.
Dumiretso na agad ako sa banyo para maligo at maghanda sa pagpunta sa grocery store. Balak ko rin na bilhin na yung kabilang unit para hindi na ako dito makitira sa dalawa at magkaroon na rin ng privacy.
Pagkatapos gawin ang mga morning routines ko, dumiretso na agad ako sa lobby para makita ang sasakyan na pinadala ni Daddy mula pa sa Belgium. Nangako kasi siya sa akin na ibibigay niya ang isa sa mga koleksyon niya kaya medyo excited akong makita kung alin sa mga ito ang dumating.
"This way, Miss Uno." Salubong sa akin ni Mr. Alas nang makita ako.
Tumango lang ako sa kaniya at tahimik na sumunod dito. Kita ko pa ang simpleng mga tinginan ng mga nadadaanan ko sa expose kong legs dahil naka short shorts lang ako at t-shirt na pinatungan ng oversized long-sleeves. Sobrang init na dito sa Pilipinas para maging sobrang balot na balot.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomantizmUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: