CHAPTER THIRTEEN

5.9K 279 73
                                    

A Memorable Vacation


"Uno! Tres! Ready na ba kayo? Bilisan niyo! We're gonna be late!" Rinig kong sigaw ni Vesta sa labas ng kwarto namin ni Viola.

The three of us are going out today to have some fun. Hindi naman dapat ako sasama pero dahil ginamitan na nila ako ng bonding card, wala na akong magagawa.

Matagal na rin naman simula nung huli ko silang makasama dahil naging abala na nga kaming tatlo sa kaniya-kaniya naming pinsan. Idagdag pa natin na nakatuon ang halos lahat ng oras at atensyon nilang dalawa sa volleyball at basketball.

"Ngayon na lang ulit ako makakapunta sa beach dahil kinain na ng practices ko ang halos lahat ng oras ko." Sambit ni Viola na biglang sumulpot sa loob ng kwarto ko.

"Ninja talaga siguro si Tres sa past life niya." Bulong ko sa hangin pagkatapos mag-angat ng tingin sa kaniya.

Kung may sakit lang ako sa puso, baka matagal na akong inatake dahil sa pinsan kong 'to. Bigla-bigla na lang laging napupunta sa harapan ko.

"Hey! I heard that, Uno!" Sigaw nito kaya tinawanan ko lang siya.

"Let's go, Tres. Aangal pa. Ayaw mo ba non? Ninja ka sa past life mo." Nakangising wika ko rito bago siya inakbayan at hinila palabas ng kwarto ko.

Bitbit ko na rin ang isang malaking bag na naglalaman ng mga kakailanganin ko ngayong araw.

Paglabas namin sa kwarto, bumungad sa amin ang magkapatid na si Gabriel and Daniel. Katabi nila si Noah at Vesta na prenteng nakaupo ngayon sa sofa.

"Ang bagal niyo pa rin talagang dalawa." Flat na turan ni Vesta na nginitian lang namin ni Viola. Puro reklamo rin ang isang 'to.

"So, let's go? Come on! Excited na ako makita ang resort ng mga Aragon." Sabik na singit ni Noah na nagpailing na lang sa dalawa.

"Ang sabihin mo excited ka lang makasama si Uno!" Kantyaw ni Daniel bago tumakbo palabas ng unit nila Viola na sinundan din ni Noah.

"Pasensya na kayo. Para talagang bata ang dalawang 'yon." Naiiling na wika ni Gabriel bago dinampot ang mga naiwang bag ng dalawang kasama niya.

Makakasama rin namin sila sa isang araw na bakasyon namin dahil property nila Noah at ng magkapatid na Aragon ang beach na pupuntahan namin.

"Let's go. Nasa baba na raw ang sasakyan natin." Yaya ni Vesta sa amin.

Paglabas ko ay nakita ko na silang nag-aabang ng elevator sa dulo ng pasilyo kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at lumapit na sa kanila.

"Maganda sa resort nila Gab, Uno. Tingin ko magugustuhan mo doon." Masayang saad ni Viola habang nakakapit sa kaliwang braso ko.

"Uno loves the beach ever since we're kids, Tres." Singit ni Vesta habang nakatingin sa aming dalawa.

I'm not gonna deny that. Naging tambayan namin magpipinsan ang beach noon. Sa tuwing gusto namin ng isang tahimik na lugar, beach resorts talaga ang takbuhan namin. Iba rin kasi talaga ang mapayapang pahinga na hatid ng dagat madalas.

"Ladies first." Ani Daniel kaya kami na ang naunang pumasok ng elevator.

"I didn't know na mahilig ka pala sa beaches, Uno. It's a good thing na napilit ka nila Vesta sumama sa amin." Sambit ni Noah na tinanguan ko lang.

Wala ako sa wisyo para sumagot ngayon dahil lutang pa ako at inaantok. Maaga akong ginising ng dalawang panira ng tulog ko dahil ako raw ang pinakamabagal kumilos sa aming tatlo.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon