[A/N]: Balita ko nabitin ko kayo kaya sige isa pa para sa lahat. (灬º‿º灬)♡
Special mention for my mammeh joshlyn15! 💚
Unedited again.
Protect Amaia
"Okay, what's going on?" Bungad na tanong ni Heather sa akin pagkarating niya sa sariling desk niya.
Ang ibang katrabaho namin ay nakatingin lang habang si Amaia ay nasa tabi ko at patuloy na nagbibigay ng utos sa mga taong nagliligpit at naglilipat ng gamit ko papunta sa kung saan.
"Don't ask me, I don't even know why your sister's doing this," tamad na sagot ko.
"Ate, what are you doing?" Rinig kong tanong niya sa kapatid kaya napunta ang atensyon ni Amaia sa amin.
"Having fun?" Nakangiting sagot nito.
Napailing na lang ako dahil magkaiba talaga sila ni Heather sa lahat ng bagay. Heather's quiet and secretive when she's sober while Amaia's just openly playful.
"Do you remember what you told me last night?" Tanong ko kay Heather nang maalala ang mga sinabi nito.
Litong tumitig ito sa akin bago umiling at inilapag ang mga gamit niya sa gilid ko.
"Why? May nasabi ba akong hindi dapat?" Should I tell her?
"Nothing, pero makalat ka pala kapag lasing," mahinang saad ko.
Mabilis ang naging pagbabago sa reaksyon nito. Ang kaninang lito ay napalitan na ng gulat ngayon.
"Oh my God, what did I do, Uno?" Ramdam ko ang kaba sa tono nito matapos niyang magtanong.
Halos pigilan ko ang sarili na matawa sa reaksyon niya dahil mukhang hindi niya talaga maalala ang mga sinabi at ginawa niya kagabi.
"That's enough. De Mevius, handa ka na bang makita ang bagong office mo?" Singit ni Amaia sa amin ni Grant.
Sabay kaming tumingin sa kaniya at kagaya ni Heather ay wala rin akong maintindihan.
"Office? Vren's going to have her own office? How about me?" Si Heather na kunot na ang noo.
She never told me about anything or having a new office. I thought she'll just transfer me to the research department.
"And here I am, thinking I just got transferred," bulong ko sa sarili.
"Technically, she's not going to have her own office. Her desk will be inside my office," paliwanag ni Amaia sa kapatid na naging dahilan para masamid ito sa iniinom na kape.
"I think we need to talk..." wala sa sariling saad ni Heather. "Privately."
Tinitigan namin siya ni Amaia, trying to figure out kung sino ba sa amin ang tinutukoy niya. Nasagot lang ang tanong nang hilahin niya paalis ang kapatid niya kaya naiwan akong mag-isa.
"Vren, grabe ah. First time may pinayagan makapasok sa office si Dra. Amaia. Anong sikreto mo?" Usisa ng isa sa mga katrabaho namin ni Grant na si Abi.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: