Friend Requests
Isang hindi pamilyar na kisame ang bumungad sa akin nang bumukas ang mga mata ko pero hindi na ako nag-alala kung nasaan ako dahil alam ko naman kung kaninong bahay 'to.
Mula sa kisame, nalipat ang tingin ko sa pinto nang marinig na may kumatok dito at doon ay isang babae na medyo may edad ang pumasok.
"Iha, mabuti naman at gising ka na. Pinapatawag ka na ni Aquila sa baba." Ani nito at tumayo sa may bandang paanan ko.
Kahit hindi maganda ang pakiramdam ay pinilit kong umupo at inabot sa side table ng kwarto kung nasaan ako ang phone ko para tignan ang oras.
Muli kong inangat ang tingin ko sa matanda at marahang ngumiti sa kaniya kahit medyo pumipikit-pikit pa ang mata ko. Siya naman ay nakatitig lang sa akin, tila naghihintay ng isasagot ko.
"Susunod po ako." Magalang na tugon ko rito na tinanguan niya.
"Ito nga pala ang mga bagong damit na pinapabigay sayo ni Aquila. Gamitin mo raw pamasok ngayong araw. Pinapasabi rin niya na magtetext siya sayo bago ang lunch mo." Huling pahayag nito bago lumabas ng kwarto nang tuluyan.
Pinagmasdan ko ang ilang mga damit na binigay nito. Hindi na rin naman masama dahil may shirt at hoodie na rin kasama ang ilang plain pants na pwede kong gamitin.
Hindi naman siguro alam ni Miss Aquila ang mga style na hilig ko? Baka nagkataon lang na ito ang mga damit na hindi niya nagagamit noon pa dahil halata namang hindi niya hilig.
Kasabay ng pagbangon ko ay siya ring pagbigat ng pakiramdam ko. Mabilis din na dumagdag ang sakit ng ulo at ilang mga pagbahing.
Lagnat? Hindi naman siguro. Hindi naman mahina ang resistensiya ko kaya imposibleng magkasakit ako dahil sa simpleng pagpapaulan ko kahapon sa field.
Kung iniisip niyo ngayon kung nasaan ako, nandito ako sa bahay ni Miss Aquila. Dinala niya ako rito sa hindi ko rin malaman na dahilan. Nagtataka nga rin ako kagabi dahil may bahay naman pala siya pero pinili pang bumili ng condo unit sa Aragon Condominium.
Pagkatapos maligo at magbihis ng plain shirt at pants, mas lalo akong nakaramdam ng lamig kaya napilitan akong kumuha rin ng isang hoodie sa mga damit na nakahilera sa bandang paanan ng kama.
Habang pababa, hindi naiwasan ng mga mata ko na daanan ng tingin ang malaking portrait nilang tatlong magkakapatid na nakasabit sa pader sa may bandang hagdan.
Pare-pareho silang nakangiti pero makikita mo ang pagkakaiba ng tatlo. Maraming bagay ang pwede mong masabi kung tititigan nang mabuti ang litrato pero sa maraming 'yon, isa lang ang pagkakapareho ng tatlo. Their smiles are not genuine.
"Hanggang kailan mo balak tumayo diyan?" Isang tinig mula sa pinakababang parte ng hagdan ang umagaw sa atensyon ko.
Crimsonite Arellano. The professor they labeled as The Psychopath.
Nakahalukipkip ito at nakatitig nang diretso sa mga mata ko. Bahagya akong nagulat ng dahan-dahang kumurba ang isang hindi maipaliwanag na ngisi sa labi niya.
Weird.
"We're going to be late kaya bumaba ka na diyan." Utos nito bago tumalikod at dumiretso sa couch na bubungad sayo kapag nakababa ka na mula sa ikalawang palapag ng bahay.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomansaUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: