CHAPTER FORTY-FOUR

2.8K 160 14
                                    

[A/N]: Kumusta kayo? Here's an update para sa mga need ng gagawin para sa mabagal na takbo ng oras.

Unedited version.

Change of Plans

Naranasan niyo na bang nasa isang importanteng pagpupulong kayo pero kahit na ikaw pa ang Presidente ay gusto mo na agad umalis dahil maliban sa nakakaantok ang sinasabi ng karamihan ay hindi ka rin interesado sa mga naririnig mo?

Ganon ang gusto kong gawin ngayon habang kaharap ang Elders at Council ng pamilya namin ngayon. Nasa iisang bilog na lamesa kami habang nasa receiving area ang pamilya ni Heather ngayon. Hindi ko inaasahang ganito kabilis makakarating sa nakakataas ang maling balita na gusto kong pakasalan si Amaia. 

"Nakarating sa amin na nais mo na raw lumagay sa tahimik at pakasalan ang isa sa mga anak ni Congressman Leon, totoo ba ito?" tanong ni Grandpa na ngayo'y matamang nakatingin sa akin ngayon. 

"Papa, malaki na ang anak ko at--" hindi nito natapos ang sasabihin nang hampasin ng lolo ko ang lamesa na nagpatahimik hindi lang sa kaniya, maging sa lahat na narito ngayon.

"I don't know why I'm even here. Why do I need to discuss my personal matters with the Council, Grandpa?" balik ko sa kaniya ng isa rin tanong dahil ayaw kong sagutin ang tanong nito. 

Isa ito sa mga bagay na iniiwasan ko dahil sa oras na makialam ang mga nakatataas ay masisira ang plano ko at masasayang ang pagbalik ko sa Pilipinas. 

"Because the Council will decide whether to spare the lives of the Grants or let their bloods paint the white tiles of this house tonight," malamig na tugon ni Grandma sa akin. 

Nabaling rito ang atensiyon ko dahil sa narinig. Bakit nila kailangan pagdesisyunan ang buhay ng mga taong nasa labas ngayon? 

"Marahil ay nasa labas na ngayon ang mga tao ko para dakpin ang pamilyang muntik sumira sa reputasyon ng pamilya natin. Sa tingin mo ba'y hindi namin malalaman na si Congressman Leon ang may pakana kung bakit itinago ng mga pulis ang katotohanan sa pagkamatay ng kapatid mo?" ani Grandpa na ngayo'y nakatayo na habang ang dalawang kamay niya'y nasa likod na. 

Nanlaki ang mga mata ko dala ng gulat at kusang nanlamig ang buong katawan ko ngayon. Sinadya kong hindi ipaalam sa kanila ang mga bagay na 'yon dahil alam kong ganito ang mangyayari. Wala sa plano na malaman nila ang ginawa ng mga Grant at mas lalong hindi parte ng plano ang mamatay sila sa loob ng bahay ko ngayon. 

"Grandpa," tawag ko rito. "Killing them will be a waste of time." 

"And marrying that woman isn't?" Humarap ito sa akin. Sinusukat kung nahihibang na ba ang apo niya ngayon o talagang desidido akong gawin ang bagay na 'yon.

"That woman..." nag-aalangang napatigil ako dahil hindi ko alam kung anong dapat sabihin ngayon na alam na nila ang tungkol sa nangyari kay Wren at sa pagtatago ng mga Grant sa katotohanang pinatay ang kapatid ko. "Is the only key for the justice I've been seeking for our family."

Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga kasama ko ngayon. Maging si Dad na nasa tabi ko'y halos mabali rin ang leeg para lang makalingon sa akin. Hindi rin nagtagal ay bumulong ang isa sa Council sa sariling tagapagsalita nito.

"Paano namin masisiguro na hindi mo kami niloloko gayong itinago mo sa amin ang katotohanan sa pagkamatay ng yumaong Uno?" saad ng tagapagsalita. 

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon