CHAPTER THIRTY-ONE

4.8K 287 62
                                    

[A/N]: Kumusta ang 2023 niyo? I hope your year's going smoothly. Here's another chapter for y'all. Have fun reading!

Unexpected Wounds

Hindi kagaya ng nakagawian, tahimik na Stallion ang sumalubong sa akin sa pagpasok ko pa lang. Bilang lamang ang mga estudyante sa bawat silid-aralan o minsan ay wala pa.

Ang ibang mga propesor at propesora rin ay nagsimula ng hindi pumasok. Tanging iilang guards at mga staffs na lamang ang madalas mong makikita.

Ang cafeteria na dati ay puno, mas lamang na ang mga lamesang bakante ngayon at ang Stallion na dating may buhay, isa na lamang simpleng paaralan na sira ang pangalan.

"Pumasok ka rin pala."

Napalingon ako sa taong pinanggalingan ng boses na 'yon. It was a flat one and to my surprise, a not-so-good expression of Dani welcomed me today.

"I have to. I'm here to talk to Miss Aquila about something." Ang tanging tugon ko.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa building ko. Marahil ay naisipan na lang ni Dani na ihatid na lang din ako.

Sa bawat paghakbang namin ay siya ring pag-iwas ng mga estudyanteng nakakasalubong. Tulad ko, ramdam din siguro nila ang bigat ng awra ni Dani ngayong araw.

"What's wrong, Dan?" Tanong ko. Hindi ko talaga maiwasan ang hindi itanong dahil tulad ni Heather, may kakaiba rin kay Dani ngayon.

"Nothing. I just can't believe that Stallion would do such thing like hiding the truth behind someone's death. I'm furious as hell because they did him dirty. I don't know the guy, but he doesn't deserve that." Mahabang pagpapahayag nito ng saloobin patungkol sa nalaman.

Nang madaanan namin ang parking area ay kita namin ang mga reporters na nagkalat sa lugar. Mga taong kung tutuusin ay ginagawa lang din ang trabaho nila pero kailangang makaabala sa iba.

"Maybe may magandang dahilan ang Stallion kung bakit nila nagawa 'yon?" Hindi siguradong saad ko na nagpahinto kay Daniel.

I don't know, I just don't want to jump to any conclusions until the investigation's still on going. I still want to give Miss Aquila the benefit of the doubt.

"Walang magandang rason sa ginawa nila, Uno. Pinagkaitan nila ng hustisya si Wren Lemaire. Period." Seryosong tugon nito.

Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Daniel. I never knew that he can be this serious over matters that clearly shouldn't have affect him. Sure, people can this be sympathetic at times.

"I just... feel bad for the guy. He was killed and his family knew the fake story behind his death because these selfish administrators hid it just to save their asses." Pigil ang galit na paliwanag pa rin niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang main building at doon nadatnan ang mga pulis na naglalagay ng mga papel sa bawat window ng registrar office. Maging sa accounting area ay mayroon din.

"Mukhang isasara nila ang Stallion habang on going ang kaso ni Wren Lemaire." Si Dani pa rin na nasa tabi ko.

Gusto ko man sumagot ay napako na ang atensyon ko sa itim na sasakyan na huminto sa entrance ng main building kung saan kami naroon ngayon ni Dani.

Lulan ng itim na sasakyan ang taong pakay ko ngayon. May suot itong salamin at pormal pa rin ang tayo kahit alam ng lahat na may malaking problema silang kinahaharap ngayon. Like the usual, she's still with her two sisters but what surprised me is the person who's driving the car.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon