CHAPTER THIRTY-FOUR

5.8K 319 45
                                    

[A/N]: Hi, paramdam ulit ako kasi medyo namiss ko na manggulo ng utak dito. I hope you're all doing well! Here's your new chapter.

Fool's Mate

"Uno, anong ginagawa natin dito? We were supposed to be working on our OJT now," litong sambit ni Heather na kanina pa nakasunod sa akin.

"I have something to do here," tugon ko bago mas mabilis na humakbang palayo. "Something to finish."

Malayo pa lang ay kita ko na ang bagong head ng Chess Organization. Hindi na nakapagtataka na siya ang sasalubong sa akin dahil sigurado naman akong sasamantalahin niya ang pagkakataong ito.

"Finally! Akala ng lahat hindi ka na darating," masiglang salubong sa akin ni Miss Lopez habang bakas na bakas ang saya sa ekspresyon nito.

"A-Ate? Anong...?"

Palipat-lipat ang naging tingin ni Heather sa amin habang si Miss Lopez naman ay gulat dahil tinawag siyang Ate ng kapatid niya sa harap ko.

"Well... she knew," alangang wika nito sa kapatid nang mapansin ang mga titig na ipinupukol ni Miss Lopez sa kaniya.

"So, you're a Grant? Nice disguise," sarkastikong papuri ko bago nilagpasan ito at pumasok na sa gymnasium kung nasaan ang mga taong sinasabi niyang naghihintay sa akin.

"First of all, it's not a disguise," saad niya habang nakasunod.

Sumalubong sa akin ang iilang mata ng mga estudyanteng nandito rin kaya nabalik muli ang tingin ko sa kasunod na mga kasama.

"Why are they here? Hindi ito ang-"

"It's a match. Your match to be exact. Don't expect them to be not here when you're this undeniably popular," putol ni Lopez sa akin, nakatingin pa rin sa mga estudyanteng nakatingin sa pwesto namin.

"Uno, what are you doing? You told me we don't have much time left," bulong ni Heather sa tabi ko.

"Yes," tugon ko. "That's why I'll end everything here."

Hinarap ko si Heather at binigyan ito ng isang magaan na ngiti. Alam kong naiintindihan niya ang gusto kong mangyari ngayong araw.

Today's match will not just be a match. It'll be my losing match and Miss Aquila's winning day.

A match where I bound to lose to the person who purposely took away what's left within me.

"Ready?" Nilingon ko si Miss Lopez.

Nakatingin na ito ngayon sa iisang direksyon at nang sundan ko iyon ay agad na nagtama ang mga mata namin ng taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

"Vren," muling tawag ni Heather sa akin.

Narinig ko ang boses nito pero nagdesisyon akong humakbang na para dumiretso papasok. Gaya ng ni-request ko ay nandito ang simpleng sofa at lamesa sa pagitan naming dalawa.

"What's this match all about?" tanong ni Miss Aquila nang makalapit ako. She's my opponent today.

"No more questions. Let's just have some fun, Ma'am." Hindi ko alam kung naintindihan niya na 'yon pero mariing tumitig lang ito sa akin bago umupo.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon