Hidden Tension
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may kakambal si Jade, friend." Sambit ni Heather sa tabi ko habang diretsong nakatingin kay Jadih na kasalukuyang bumibili ng pagkain namin sa isang food stall.
Napangiti na lang ako nang marinig ang bagay na 'yon dahil mukhang may epekto pa rin sa kaniya ang rebelasyon tungkol sa kakambal ni Jade.
"It's not something na nakakagulat. Anybody can have hidden twins, you know." Flat kong tugon dito bago humigop sa milk tea na kanina pa nasa harapan ko.
Nasa mall kami ngayon ni Heather dahil nagpasama siyang mamili ng mga gamit niya. Wala rin naman akong ginagawa kaya sumama na ako. Nagkataon naman na nandito pala si Jadih at nakasalubong namin kaya sumabit na rin siya.
"So, do you have one?" Isang mapaglarong ngisi ang bumungad sa akin nang mapatingin ako kay Heather dahil sa tanong na 'yon.
It took me long to answer that question because I don't want to deny my dead brother but for now... maybe I have to.
Yeah, it's for the better.
Umiling ako bago sumandal at umayos ng upo sa harap ni Heather.
"I'm the only child of my parents." Tipid na sagot ko rito bago ibinalik ang tingin kung nasaan si Jadih.
Pareho na kaming natahimik ni Heather nang makitang pabalik na si Jadih sa pwesto namin bitbit ang isang tray na puno ng pagkain.
"Here's our food, ladies. Let's eat?" Tanong ni Ja nang maupo sa tabi ko.
May ningning sa matang tumango si Heather habang titig na titig sa mga pagkaing nasa harap namin. Napailing na lang.
If you're into food at naghahanap kayo ng food buddy, si Heather ang sagot.
"I think she really loves food." Bulong ni Ja sa gilid ko kaya marahan akong natawa.
Napatingin naman sa aming dalawa si Heather nang marinig ang tawa ko kaya tumitig din kami pabalik.
"Wastch funny?" Bulol na tanong nito dahil puno ang bibig niya.
"Don't talk when your mouth's full, Grant. Nguyain mo muna 'yan." Pagpapaalala ko sa kaniya na tinanguan nito bago nag peace sign sa harap namin ni Ja.
"So, until when do you plan to stay here, Jadih?" Interesadong tanong ni Heather sa katabi kong kumakain hanggang ngayon.
Tahimik lang akong kumakain pero nakikinig pa rin ako. Gusto ko rin naman malaman ang sagot sa tanong ni Heather dahil hindi pa kami nag-uusap ni Jadih tungkol sa bagay na 'yon.
"For good. Well, I decided to finish my studies here. Actually, nakaayos na ang mga documents na need ko at approval na lang ng Dean sa Stallion ang kailangan ko." Mahabang litanya nito bago nagpunas ng bibig gamit ang tissue na nasa tapat niya.
Napatigil ako sa pagkain nang marinig ang sagot nito. She's transferring to Stallion too?
"Wait, you're transferring to Stallion?" Pagkaklaro ko sa ideyang naisip.
"Yeah? I think mas madali magiging adjustments ko dahil nandoon kayo." May ngiti sa labing tugon niya.
"Saang department ka?" Napalingon ako kay Ja, hinihintay ang magiging sagot nito sa tanong ni Heather.
"Photography." Tipid na sagot nito. Tumango lang si Heather sa kaniya at nagpatuloy na ulit sa pagkain.
Tinuloy pa rin pala ni Jadih ang passion niya. Dati pa mahilig kumuha ng mga litrato si Jadih pero business courses ang pinipilit sa kaniyang course ng magulang nila ni Jade.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: