CHAPTER TWENTY

5.9K 267 29
                                    

Puppet The Popular

Sunod-sunod na tunog mula sa phone ko mismo ang gumising sa halos mahimbing kong tulog. Halos pikit-mata pa ang pag-abot ko rito para lang tignan ang oras at kung sino ang dapat managot sa pag-istorbo sa akin.

Gabriel Aragon added you to the group.

Gabold 💦
Welcome, Miss Popular!

Dani Supot 😶
Vreeeennnn!

Grant, nugagawen?
🤦🏻‍♀️

Dos, ang bato!
Good morning, Uno.

Violat 🙈
Sunduin ka ba namin sa room mo?
Breakfast na tayo.

Noah walang barko 🚢
I can go there to assist you.

Uh...?
What's going on, guys?

Gabold 💦 set your nickname to Miss Popular Girl.
edit

Agad na pagtataka ang una kong naging reaksyon nang makita ang nickname na inilagay ni Gab.

Miss Popular Girl?

Dani Supot 😶
Yep! That's you, Vren! 😗

Grant, nugagawen?
Your name's trending again.

Dos, ang bato!
You're the talk of the town,
Uno. 💀

Pagkabasa ng replies nila ay tinignan ko ang notifications ng mismong account ko. Almost hundreds of mentions were there and in just a simple click, it directed me to an uploaded video.

Naka upload lang naman ang video ng confession ni Noah at Jadih sa akin sa page mismo ng Stallion. It has millions of views and reactions now. Considering na dalawa pa lang silang nandito, paano na kapag nasama pa yung sinend ni Miss Aquila?

Naalala ko na naman tuloy ang bagay na 'yon.

Aquila Arellano invited you to like Her.

I still can't believe I received a page invitation like that from Miss Aquila. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung seryoso ba siya doon o baka mamaya naman napindot niya lang 'di ba?

"Still can't believe na pangalan mo na ang kilalang-kilala ngayon sa buong Stallion, girl?" Mula sa nakakumot na paa ay napaangat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harap ko na hindi ko alam kung paano nakapasok.

"Heather? Kanina ka pa diyan? Paano ka nakapasok?" Sunod-sunod na tanong ko bago tinignan ang likod nito para alamin kung may kasama ba siya.

Inangat niya ang kamay na hawak ang isang spare keycard na mukhang hiningi niya pa sa receptionist sa lobby.

"Yes, kanina pa ako rito. Long enough to see you staring at your feet." Malokong tugon niya kaya napailing na lang ako bago bumalik sa pagkakahiga.

"What are you doing here? Akala ko nasa lobby na kayo?" Tanong kong muli pagkatapos ibaba ang phone ko sa side table.

"Pinapunta nila ako. They're afraid you might not get out of this room after what happened last night. We all know how much you hate attention." Paliwanag nito na tinanguan ko lang.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon