Just a Night Full of Confession
Bored na nakatingin lang ako sa dalawang pinsan ko na hanggang ngayon ikot nang ikot at labas-pasok sa kaniya-kaniyang mga kwarto nila. Hindi nga ata ako napapansin ng dalawang 'to.
"Matagal pa ba kayo?" Walang ganang tanong ko na nagpahinto sa kanila pareho bago sabay na nagbaling ng tingin sa akin.
Finally.
"Uno? Kanina ka pa nandiyan?" Tanong ni Vesta na humarap na nang tuluyan sa akin.
"Obviously. Are you done? Can we go now? We're going to be late." Paalala ko sa kanila dahil mukhang hindi ata nila alam na grabe ang traffic sa Pilipinas.
"Five more minutes." May matamis na ngiti sa labing wika ni Viola bago tumakbo papasok sa kwarto niya.
Napailing na lang ako bago prenteng sumandal sa couch kung saan ako nakaupo. Sinilip kong muli ang orasan bago pumikit. Isang oras na lang ang meron kami.
Naramdaman ko ang paglubog ng couch sa gilid ko, tanda na tumabi sa akin si Vesta. Pinakiramdaman ko lang ito.
"Are you sure you wanna go? Pwede ko naman sabihan si Noah na hindi ka makakarating." Rinig kong tanong niya.
I knew she would ask this one. Nung isang araw pa nila tinatanong 'yan. Kung sigurado raw ba ako na pupunta ako. Nasabi nila na malaking event daw ang birthday ni Noah kaya sa hotel ang napiling venue ng pamilya niya at hindi sa bahay. Baka raw hindi ako maging kumportable.
"I'll be fine." Tipid na paniniguro ko sa kaniya.
I hate crowded places most of the time pati na rin ang sobra-sobrang atensyon. Kung pwede lang maging low profile sa Pilipinas ginawa ko na pero sadyang hindi talaga hinahayaan ng bitbit kong apelyido ang bagay na 'yon.
"Tawagin mo lang kami mamaya kapag may problema. We'll be available for you." Hayag ni Vesta na inilingan ko lang.
Nilingon ko ito at kita ang pagtataka sa mukha niya dahil sa kunot nitong noo na tanaw ko ngayon.
"I doubt you'll be available. It's a party. You should be enjoying yourselves. I'll be fine, Dos." Paliwanag ko bago ito binigyan ng isang marahan na ngiti.
"I'm done! Let's go?" Sabay kaming tumango ni Vesta bilang sagot sa tanong ni Viola.
Sabay-sabay kaming pupunta doon sakay ng van. Kasama namin si Mr. Alas dahil siya ang magiging assistant namin habang nasa party at bantay na rin ng dalawa. Makalat kasi sila.
Lulan ng itim na van, tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana habang isa-isang nilalagpasan ng mga mata ko ang bawat ilaw na madadaanan ng sasakyan.
"Nandoon na raw sila Gab. Tayo na lang ang hinihintay." Anunsiyo ni Violet sa kalagitnaan ng katahimikang namamayani sa amin.
Hindi ko na piniling sumagot pa at nanatiling walang imik na lang. Si Vesta naman ay nakikinig na lang ng music. Nagdesisyon akong mag scroll na lang sa social media accounts at bumungad agad ang mga pictures at videos sa venue ng party ni Noah.
Mukhang malaki nga ang event ngayong gabi. Malabo naman na birthday lang ang ganap dahil ang engrande tignan ng venue.
Habang abala sa pag tingin sa litrato ng iba, biglang nagvibrate ang phone ko at nag pop up ang dalawang message mula sa magkaibang tao.
BINABASA MO ANG
THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]
RomanceUno: Vren De Mevius STARTING DATE: 06-10-22 END: 07-16-24 REVISION DATE: