CHAPTER FORTY-THREE

2.9K 160 8
                                    

[A/N]: Ito na update kasi sinipag na ulit ako. Ito na rin ang tamang chapter for this part. 🙌🏻

The Final Hint

"What happened to you?!" histerikal na sigaw ni Mommy matapos makita ang itsura ko pagkapasok palang namin ng bahay.

I went home right after the brawl between me and Morales that's why she saw me in this state. Nagulat pa ako na nandito pa rin pala ang tatlong magkakapatid. Hindi ko inaasahan 'yon dahil halos pagabi na rin naman ako nakauwi.

Nang akmang hahawakan ni Mommy ang mukha ko ay agad kong iniwasan 'yon.

"I'm okay, Mom. Kukuha lang ako ng damit and I'll leave after. I still need to fix a lot of things sa bahay," sambit ko rito bago paakyat na sana.

"Vren, tumawag si Viola. She's asking if she can borrow your..." Natigil ito nang makitang may kasama ako. "Big bike outside. Good evening, Mrs. De Mevius."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mommy sa aming dalawa ni Miss Lopez bago ito ngumiti sa isa. Ako nama'y nabaling saglit ang tingin sa mga Arellano bago ibinalik kay Miss Lopez ang mga mata.

"You're with someone, iha?" tanong ni Mommy kaya tumango ako rito.

"She's Amaia Lopez, one of my professors," pagpapakilala ko kay Miss Lopez.

"Lopez, I'm not expecting to see you here!" magiliw na bati ni Miss Crimson sa isa pero mahihimigan mo ang pang-aasar sa tono nito.

"Amaia Lopez? Are you Congressman Leon's eldest daughter?" tanong ng Mommy ko.

Nagkatinginan kami ni Miss Lopez dahil hindi ko alam na kilala pala ni Mommy ang tatay nito. Nagtatanong ang mga matang ibinalik din ni Miss Lopez ang mga tinging iginawad ko sa kaniya.

"Kilala mo si Congressman Leon, Mommy?" tanong ko rito.

"Well, he visited your Dad. Totoo bang humingi ka ng permiso para sa pagtira ni Amaia sa bahay mo?" tugon nito sa akin.

"Pagtira sa bahay mo?" naguguluhang tanong ni Miss Lopez.

Hindi pa nga pala niya alam ang mga sinabi ko sa tatay nila. Walang pagpipilian na hinarap ko ito bago tumango.

"It's true," tanging sagot ko rito bago hinarap muli ang Mommy ko. 

Nagdesisyon akong umakyat na lang sa taas dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig na ipinupukol sa akin ng isa sa mga Arellano ngayon. Hindi naman sa para akong mamamatay sa mga titig nito pero dahil pakiramdam ko ipit ako ngayon. 

"Where do you think you're going, child? If you're asking such favor to the Congressman, don't you think you have some explaining to do right now to us?" taas-kilay na tanong ng Mommy ko na nagpatigil sa akin sa paghakbang. 

The way she uttered those questions felt like I'm marrying Miss Lopez. "You have visitors, Mom."

Nilingon niya ang mga magkakapatid pero ang tatlo ay matamang nakatingin sa akin ngayon. Nagtama pa ang mga mata namin ni Miss Aquila na hindi maipinta ang mukha ngayon. Napansin ko rin na nakakuyom din ang kaliwang kamao niya. Nakatingin lang kami sa isa't-isa ni Miss Aquila nang magsalita ang Mommy ko. 

"They're family to us, iha. Let's all go to the living room so you can explain what's happening to me," saad ng Mommy ko bago tuluyang tumalikod sa amin at naglakad papunta sa living room. 

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon