CHAPTER SEVENTEEN

5.4K 278 71
                                    

[A/N:] The italicized parts of this chapter contains some flashbacks. Also, I put Jadih's portrayer above (check the media) for better visualization of her character. Have fun reading!

Jadih Villareal

Ang kaninang puno ng kilig at hiyawan dahil sa nagaganap sa pagitan ni Miss Aquila at Sir Cedric ay napalitan ng mga bulungan sa nakasaksi kung paano sinira ng babaeng walang pakundangang dumaan sa pagitan ng dalawa ang bagay na pinaghandaan ni Sir Cedric nang mahabang panahon.

Maingay ang paligid pero pakiramdam ko panandalian akong nabingi ngayon.

Dahan-dahan nitong inabot ang bulaklak na bitbit niya sa akin habang ako naman ay tila nahipnotismong tinanggap iyon nang walang kahit anong bahid nang pag-aalinlangan.

Bumaba ang tingin ko sa bulaklak na hawak. It's a yellow tulips— the color of friendship.

"Je suis de retour, Ren. (I'm back, Ren)." Nang marinig ang itinawag nito sa akin ay kusang napatigil ako sa pag-iisip.

Ren. That nickname.

She's real? She's really here?

It's impossible. I'm sure this is another game of Jade.

"This is impossible. No... It's— why are you doing this, Jade? You're not Jadih. You're not your twin sister." Asik ko nang manumbalik sa reyalidad and utak kong kanina lang ay lumilipad.

"What? I'm not—"

"Jadih?"

Halos lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon na pumutol sa dapat na magiging sagot nito sa akin. It was Jade na kasama ngayon sila Heather at iba pang swimmers.

Malakas na pag singhap ang kumawala sa mga estudyanteng saksi sa hindi inaasahang pangyayari ngayon.

I can't blame them. All of us are facing two women with the same face. Kung maglalaro tayo ng spot the difference sa dalawa ay baka matagalan bago pa makuha ang sagot sa pinagkaiba nila dahil mula sa ilong, bibig, at mata ay wala silang pagkakaiba.

"Jadey!" Puno ng gayak na bati ni Jadih sa kakambal nang lingunin din nito ang taong tumawag sa kaniya.

Yes, they're twins. Identical twins to be exact.

"Vren." Tawag ni Jade sa akin kaya nabaling dito ang atensyon ko.

"Ren." This time it's Jadih who called me using the name I almost forgot.

Ren.

It's the right pronunciation of my name Vren and Jadih's the first person who pronounced it right ever since I am a kid.

"Excuse me, ladies? If you wouldn't mind, we're having a moment here." May bahid ng inis sa tonong sambit ni Sir Cedric sa amin kaya napalingon maging si Jadih sa kanila.

Ang tingin ko ay napunta kay Miss Aquila na ngayon ay mahigpit ang hawak sa bulaklak na hawak niya. Blangko lang din ang tinging ipinupukol nito sa akin.

Bakit? Hindi naman ako ang sumira sa moment nila.

"Pasensiya na Miss Arellano and Sir Cedric. Let's go, Ja." Hinging paumahin at tawag ni Jade sa kakambal pero ang isa ay walang ganang tinapunan lang siya ng tingin.

"I'm not here to see you, Jadey. I'm here for my Ren." Madamdaming sagot ni Jadih sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa akin.

The moment Jadih's eyes made its way to mine, mabilis napalitan ang walang ganang emosyon sa mga mata nito ng isang malambot at nag-aalalang tingin.

THE MACHIAVELLIAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon